Lovi Poe kinabahan sa photo shoot para sa kasal nila ni Monty Blencowe: It’s reminding me that it’s really happening this time
NAGHAHANDA na sa kanyang kasal ang “FPJ’s Batang Quiapo” leading lady na si Lovi Poe at fiancé niyang si Monty Blencowe base sa ulat ni “TV Patrol” reporter MJ Felipe base sa panayam ng Metro Magazine sa aktres.
“Sa kanyang cover shoot para sa Metro. Style ay ibinahagi ng aktres kung paano nag-propose ang kanyang British boyfriend na si Monty Blencowe,” bungad ni MJ.
Nag-photo shoot daw si Lovi para sa kasal nito at aminadong nahirapan siyang mag-plano sa nalalapit na kasal nila ni Monty.
Ipinakita sa Patrol ang magazine kung saan naka-quote ang aktres nang mag-propose raw ang fiancé.
Sey ni Lovi, “It feels weird because I’m used to doing shoots, but this one’s different. I was nervous. Now it’s reminding me that it’s really happening this time.
“It was tough. Sobrang hirap mag-wedding planning. Du’n mo talaga mate-test, so many things you have to consider.
“He’s very hands-on. A lot of my friends appreciate the fact that when I’m on set, he goes on meetings with people from the wedding planner, the florist and everything.”
Samantala, hanggang sa kasalukuyan ay wala pang anunsyo kung kailan at saan ang kasal nina Lovi at Monty dahil hindi naman ito binanggit sa prenup shoot/interview niya sa Metro.Style magazine.
Anyway, base naman sa mga latest posts ni Lovi sa kanyang Instagram account ay pinost niya ang prenup shoot niya sa nasabing magazine at ang pamamasyal niya sa beach at iba pang magagandang lugar sa Cannes France.
Related Chika:
Lovi Poe nagpaalam muna sa ‘Batang Quiapo’ ni Coco Martin, nagpe-prepare na sa kasal nila ni Monty Blencowe?
Lovi sa tanong kung si Monty Blencowe na ang ‘the one’: Well, you know ang hirap sabihin but I hope…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.