Lovi sa tanong kung si Monty Blencowe na ang ‘the one’: Well, you know ang hirap sabihin but I hope…
HINDI diretsahang nasagot ng actress-singer na si Lovi Poe ang tanong kung feeling ba niya ay ang British boyfriend na niyang Monty Blencowe ang kanyang “the one.”
In fairness, tatlong taon na rin ang relasyon ng magdyowa at talagang napanindigan nila ang pagmamahal sa isa’t isa sa kabila ng mga challenges ng isang LDR o long distance relatioship.
Sa guesting ni Lovi sa morning program ng GMA 7 na “Mars Pa More” natanong nga ng mga host na sina Iya Villania at Camille Prats kung si Monty na nga ba ang kanyang “the one” at “forever.”
Sagot ng Kapuso actress, “Well, you know, ang hirap sabihin but you know, he’s great and I hope, I hope… yeah, hopefully.”
Ayon sa dalaga, totoong napakahirap ng long distance relationship at talagang matinding hamon sa kanila ni Monty ang pag-a-adjust ng kanilang oras dahil ngA magkaiba sila ng timezone.
“We tend to communicate early in the morning. Siguro one of the reasons why automatic sa aking gumising nang mas maaga kahit hindi ko naman sinasadya.
“Kasi siguro dahil alam ko somehow na kakausapin ko na siya early in the morning. The time difference is hard more than any,” paliwanag ni Lovi.
Sa isang panayam naman, sinabi ni Lovi na maganda at maayos naman ang set-up nila ng boyfriend, “Because Monty and I are both very busy people, when we are together, we enjoy each other’s company and we make the most of our time together.
“The moment I set foot sa airport (LAX) for my flight home, we always remind each other, ‘Okay, work really hard, do your best in your work.’ Until we see each other again although we don’t know when, maybe in a few months or longer.
“He’s got his own thing and I also have my own. It’s actually a good set-up, not as bad as I thought it would be. I’ve been coming back and forth between LA and Manila when I have no work,” aniya pa.
Sa tanong naman kung may plano na silang magpakasal in the near future, sinabi ng dalaga na ayaw niyang magpa-pressure about settling down dahil naniniwala siyang darating ang tamang panahon para sa kasal.
“For me I just don’t have like a target age or whatever. It’s just, if it happens or when it happens, it will happen. When the time is right, you’ll feel it,” saad ni Lovi.
Pero kung sakaling magdesisyon na sila ni Monty na magpakasal, saan niya mas gustong manirahan, sa Pilipinas ba o sa ibang bansa?
“It’s hard to say, nandito kasi ang life ko, ‘di ba? So ang hirap sabihin. I see myself still flying back and forth kahit pagod na pagod na ako,” tugon ni Lovi Poe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.