Nathalie Hart engaged na sa non-showbiz dyowa | Bandera

Nathalie Hart engaged na sa non-showbiz dyowa

Therese Arceo |August 11,2022
facebook
share this

Nathalie Hart engaged na sa non-showbiz dyowa

Therese Arceo - August 11, 2022 - 01:57 PM

Nathalie Hart engaged na sa non-showbiz dyowa
SUPER happy ang sexy actress at mommy na si Nathalie Hart dahil engaged na siya ngayon sa kanyang foreigner non-showbiz dyowa.

Sa kanyang Instagram account ay ibinandera niya ang larawan kung saan makikitang nagpo-propose ang kanyang afam na dyowang nakilala bilang si Brad Robert.

“SECOND CHAPTER: I said yes #engaged,” saad ni Nathalie sa caption ng kanyang IG post.

May isa pang post ang aexy actress at dating Starstruck avenger kung saan pakiramdam niya ay isa siyang prinsesa dahil sa ganda ng set up ng lugar.

“Felt like a princess for a day,” chika ni Nathalie.

Bumuhos naman ang congratulatory messages sa kanyang posts mula sa mga kaibigan sa industriya.

“Happy for you,” sey ng asawa ni Billy Crawford na si Coleen Garcia.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nathalie Hart (@imnathaliehart)

Saad naman ni Ana Jalandoni, “Congrats babe!”

“Aww congratulations!!!” sey naman ni Ryza Cenon.

Nag-comment rin sina Regine Tolentino, Maui Taylor, Janelle Jamer, Jackie Rice, at Phoebe Walker.

Nagpasalamat naman si Nathalie sa lahat mga taong nagpadala ng magagandang mensahe sa bagong journey sa kanyang buhay.

“Thank you everyone for all the beautiful messages. God is good!” sey niya.

Naganap ang engagement nina Nathalie at foreigner non-showbiz dyowa sa isang French restaurant sa Makati.

Matatandaang ang huling nakarelasyon ni Nathalie ay ang Indian national na si Mayank Sharma ngunit naghiwalay na rin sila noong 2019 dahil na rin sa kanilang pagkakaiba sa ibang pinaniniwalaan.

Ito rin ang ama ng kanyang super pretty three-year-old daughter na si Penny.

Related Chika:
Nathalie Hart umaming naging anorexic: I’m now comfortable with my skin, with my own body

Sid Lucero naranasan nang makipag-sex sa loob ng kotse; Nathalie Hart na-shock: OMG! You’re so wild!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

True ba, Nathalie Hart binugbog ng dyowa kaya nakipaghiwalay?

Nathalie Hart nagsinungaling muna sa press bago umamin…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending