True ba, Nathalie Hart binugbog ng dyowa kaya nakipaghiwalay? | Bandera

True ba, Nathalie Hart binugbog ng dyowa kaya nakipaghiwalay?

Alex Brosas |November 12,2019
facebook
share this

True ba, Nathalie Hart binugbog ng dyowa kaya nakipaghiwalay?

Alex Brosas - November 12, 2019 - 12:03 AM

NATHALIE HART

Itinanggi ni Nathalie Hart ang blind item na binugbog siya ng kanyang foreigner na partner kaya siya nakipaghiwalay dito.

“Hindi po, hindi naman. Bumalik lang ako kasi kailangang kong tapusin ang pelikulang ito dahil I have no choice kasi napirmahan ko ang kontrata,” very cool niyang sabi sa amin sa presscon ng latest digital movie ng iWant na

“Barbara Reimagined” na remake ng kilalang horror-suspense na “Patayin Sa Sindak Si Barbara”.
“I did it before I left and kailangan nilang i-reshoot ang movie. May pelikula pa akong gagawin sa Viva Films.

“I really want to work talaga kasi para sa akin, I feel like noong nawala ako ng isang taon parang it was the longest time of my life. Parang ang tagal-tagal ng oras,” say niya.

Hindi ba niya na-enjoy ang domesticated life sa India? “Hindi naman sa ganoon. Na-enjoy ko naman ang pagiging nanay. Hanggang ngayon ay nanay pa rin naman ako. ‘Yung time na dumating ang anak ko, sobrang stressful talaga.

Hindi madaling maging nanay.

“Siyempre, nag-breastfeeding din ako, napakahirap ‘yun para sa akin. Tumigil lang ako noong seven months na ang anak ko. Ang feeling ko tama na ‘yun.

“Na-enjoy ko naman pero iba ‘yung fulfillment na may ginagawa ka in your career. Para lang sa akin, mas gusto ko ‘yun hindi lang ‘yung okay ang pamilya mo in that manner. Gusto ko fulfilled din ako sa ginagawa ko sa buhay ko,” paliwanag ni Nathalie.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending