Maja, Rambo nagpa-dinner sa mga kapamilya at kaibigan bago ang kasal nila ngayon sa Bali, Indonesia; John Lloyd nagbigay ng wedding message | Bandera

Maja, Rambo nagpa-dinner sa mga kapamilya at kaibigan bago ang kasal nila ngayon sa Bali, Indonesia; John Lloyd nagbigay ng wedding message

Ervin Santiago |July 31,2023
facebook
share this

Maja, Rambo nagpa-dinner sa mga kapamilya at kaibigan bago ang kasal nila ngayon sa Bali, Indonesia; John Lloyd nagbigay ng wedding message

Ervin Santiago - July 31, 2023 - 11:01 AM

Maja, Rambo nagpa-dinner sa mga kapamilya at kaibigan bago ang kasal nila ngayon sa Bali, Indonesia; John Lloyd nagbigay ng wedding message

Maja Salvador, Rambo Nunez, Rhea Tan, John Lloyd Cruz, Kakai Bautista at Thou Reyes

NGAYONG araw na, July 31, magaganap ang bonggang-bonggang wedding nina Maja Salvador at Rambo Nuñez sa Apurva Kempinski Bali, Indonesia.

Base sa official social media page at website ng nasabing property, matatagpuan ito sa tuktok ng “majestic cliff of Nusa Dua, with breathtaking views of the Indian Ocean and tropical garden.”

Kahapon nagdatingan sa Bali ang mga makakasama sa entourage at ang iba pang imbitadong bisita sa pinakaaabangang kasal nina Maja at Rambo.

Kagabi, nagsama-sama ang mga guests ng future husband and wife para sa kanilang pa-welcome dinner. Base sa mga nakita naming mga pictures at video sa socmed, talagang naging super busy sina Maja at Rambo sa pag-aasikaso sa kanilang mga bisita.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rei Ramos Anicoche (@missrheatan)


Sa kanyang Instagram account, nag-share ang wedding at fashion photographer na si Pat Dy ng ilang litrato nina Maja at Rambo na masayang nililibot ang bawat table sa kanilang pa-dinner.

Makikita sa mga pictures na parehong naka-white OOTD ang groom and bride. Base sa mga ulat, nakasuot si Maja ng puting Chanel crochet-knit dress with matching Jimmy Choo steppers at diamond dangling earrings.

Nakaputing suit naman si Rambo (walang panloob kaya kitang-kita ang dibdib nito) na tinernuhan niya ng cream-colored loafers.

Baka Bet Mo: Maja sa pagpapakasal kay Rambo: Napag-uusapan pero si God pa rin ang bahala, sa tamang panahon…

Ilan sa mga celebrities na present sa naturang event ay sina John Lloyd Cruz, Kakai Bautista, Thou Reyes at marami pang iba. Naroon din ang isa sa mga ninang nina Maja at Rambo na si Rhea Tan, ang CEO at President ng Beautéderm Corporation.

Sa isang video na ipinost ni Ms. Rhea Tan, makikita si Lloydie na nagbibigay ng mensahe kina Maja at Rambo kung saan pabiro pa niyang tinawag na “ambisyosa” ang kanyang kaibigan at talent manager. Aniya, ingatan daw sana ni Rambo ang kanyang “kapatid” ngayong magsasama na sila bilang mag-asawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pat Dy (@patdy11)


Bago lumipad patungong Bali, Indonesia sina Maja at Rambo, um-attend muna sila sa kasal nina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa Baguio nitong nagdaang Friday, July 28.

Inaasahang dadalo rin sina Arjo at Maine sa wedding nina Maja at Rambo. Kaya baka doon na rin daw mag-honeymoon ang bagong kasal.

Matatandaang ibinandera nina Maja at Rambo ang kanilang engagement noong April 17, 2022 sa pamamagitan ng Instagram.

Maxene balik-Pinas makalipas ang mahigit 1 taon sa Indonesia: Mabuhay!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maja sa pagpapakasal kay Rambo: Napag-uusapan pero si God pa rin ang bahala, sa tamang panahon…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending