Ejay Falcon, Jana Roxas excited nang ikasal sa March 25: ‘Matagal namin itong hinintay at plinano’' | Bandera

Ejay Falcon, Jana Roxas excited nang ikasal sa March 25: ‘Matagal namin itong hinintay at plinano’’

Pauline del Rosario |March 17,2023
facebook
share this

Ejay Falcon, Jana Roxas excited nang ikasal sa March 25: ‘Matagal namin itong hinintay at plinano’’

Pauline del Rosario - March 17, 2023 - 12:19 PM

Ejay Falcon, Jana Roxas excited nang ikasal sa March 25: ‘Matagal namin itong hinintay at plinano’’

PHOTO: Instagram@ejaythefalcon

ILANG araw nalang ay ikakasal na ang aktor at  Oriental Mindoro Vice Governor Ejay Falcon sa fiancée na si Jana Roxas!

Ibinunyag mismo ng dalawa sa interview ng TV Patrol na nakatakda silang mag-isang dibdib sa darating na March 25 sa Taguig City.

Ayon pa sa dalawa na masayang-masaya sila dahil bukod sa matagal na nila itong pinangarap ay marami ang sumusuporta sa kanilang pagmamahalan.

“Ang daming masaya para sa amin and ‘yun po ‘yung sobrang nakakatuwa kasi ganun naman talaga ang buhay ng mga tao e. Mage-end ka sa mga taong talagang mahal mo,” sey ni Ejay.

Saad naman ni Jana, “Siyempre sobrang happy kasi matagal na namin ‘tong hinihintay and plinano. Sabi ko nga, in God’s perfect time talaga.”

Kamakailan lang ay ibinandera ni Ejay sa isang Instagram post ang pre-nuptial photos nilang dalawa ni Jana na kinunan pa sa bansang Dubai.

Baka Bet Mo: Ejay Falcon inalala ang pagiging kargador sa Mindoro; tuloy na ang pagtakbo sa 2022?

Caption pa ng actor-politician, “Counting down the days until forever begins..”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ejay Falcon (@ejaythefalcon)


Maraming netizens naman ang nagpaabot ng “best wishes” messages sa couple at narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“WOW congrats to you Ejay Falcon from humble beginnings to fame..stay your feet on the ground.”

“Kakasal na yung crush ko. Congrats! Excited for both of you.”

“Perfect! [red heart emojis] Grabe naman ang ganda ni Jana. You’re so lucky kuya Ejay!”

Taong 2017 nang umamin si Ejay tungkol sa relasyon nila ni Jana.

Noong nakaraang taon naman nang ma-engage ang couple.

Para sa mga hindi pa masyadong aware, parehong sumali sa reality TV show ang dalawa.

Si Ejay ang big winner ng “Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus” noong 2008, habang si Jana ay naging contestant ng season 3 ng “StarStruck” noong 2006.

Related Chika:

Ejay Falcon pinaiyak ang tatay habang nanunumpa bilang vice governor ng Oriental Mindoro

Ano nga ba ang matagal nang ‘bubog’ ni Christopher Roxas kay Ogie Diaz?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending