Vice Gov Ejay Falcon, Jana Roxas engaged na; planong marriage proposal sa flag ceremony hindi natuloy | Bandera

Vice Gov Ejay Falcon, Jana Roxas engaged na; planong marriage proposal sa flag ceremony hindi natuloy

Ervin Santiago |August 22,2022
facebook
share this

Vice Gov Ejay Falcon, Jana Roxas engaged na; planong marriage proposal sa flag ceremony hindi natuloy

Ervin Santiago - August 22, 2022 - 11:19 AM

Jana Roxas at Ejay Falcon

ENGAGED na ang aktor at vice governor ng Oriental Mindoro na si Ejay Falcon sa longtime girlfriend niyang si Jana Roxas.

Naganap ang pagpo-propose ng “Pinoy Big Brother” Big Winner kagabi sa selebrasyon ng kaarawan ni Jana na ginanap sa bahay ng isang kaibigan ng dating aktres at StarStruck Avenger sa Mindoro.

Base sa isang video na napanood namin sa Facebook, present sa naganap na engagement ang respective family nina Ejay at Jana, at si Oriental Mindoro Governor Bonz Dolor with his wife Hiyas.

Naroon din ang ilan sa malalapit nilang kaibigan at mga kasamahan sa Sangguniang Panlalawigan ng Oriental Mindoro.

Ayon sa isang ulat, ang orihinal na plano ni Ejay ay mag-propose ngayong umaga, August 22, sa gaganaping flag ceremony sa kapitolyo ng Oriental Mindoro.
Ngunit hindi na raw makapaghintay ang aktor kaya ginawa na niya ito bago mag-birthday si Jana.

Sa napanood naming video, tinawag si Ejay para magbigay ng birthday message kay Jana. Medyo nahihiya pa ang bise gobernador nang lapitan sa harap ng presidential table ang kanyang fiancée.

“Sa loob po ng anim na taon, pinatunayan po niya kung gaano niya ako kamahal, ipinakita niya sa akin yung totoong pagmamahal, ipinakita niya sa akin ang lahat ng suporta.

“Tinanggap niya ako kung ano talaga ako, tinanggap niya ako nang buong-buo. Itong pagpasok ko sa politika ay napakahirap po para sa kanya. Napag-uusapan na namin yung future, yung buhay namin.

Pero ang focus ko noon ay career tapos pumasok nga ako sa politika,” ani Ejay kay Jana.

Patuloy pa niya, “Siyempre, hindi maiwasan na…iyon nga, papasukin ko ang bagong yugto ng buhay ko, bagong career.

“Pero ngayon nga, sa harap ng mga pamilya natin, sa harap ng mga magulang ko, ng mga magulang mo at sa lahat ng narito, sasabihin ko kung gaano kita kamahal.

“At ngayong birthday mo, hayaan mong ako naman ang may hihilingin sa yo…” ang biting sabi pa ni Ejay.

Dito na napapikit at napatungo si Jana na nagsimula nang maiyak hanggang sa ilabas na nga ni Ejay ang dala niyang engagement ring.

Lumuhod siya sa harap ng kasintahan sabay tanong ng, “Gusto kitang makasama habangbuhay…will you marry me?” Na sinagot naman ni Jana ng, “Yes!”

Palakpakan at hiyawan naman ang mga nasa venue.

Sa isang panayam, naikuwento ni Ejay na nakilala niya si Jana sa dinaluhang isang housewarming party sa Pansol at mula nga noon ay nagtuluy-tuloy na ang kanilang love story.

Sinabi rin ng aktor sa naging interview namin sa kanya tungkol sa pagpo-propose kay Jana, “Napapag-usapan naman po yun. Pero sabi ko nga, wala muna ngayon.

“Sobrang busy pa, at ayoko namang makikiuso kapag nakikita kong nag-propose si ganito, ganyan. Hindi ako napi-pressure.

“Parang ang proposal, para sa akin, sa isang babae at isang lalaki, moment iyun sa buhay na kailangang maramdaman mo na ito na iyung time na kailangan mong gawin, hindi dahil sa napi-pressure ka lang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pero siyempre, nandiyan naman sa isip ko na doon pa rin ako sa pag-aasawa,” sey pa ni Ejay.

Ejay Falcon inalala ang pagiging kargador sa Mindoro; tuloy na ang pagtakbo sa 2022?

Julia, Coco muling magtatambal sa pelikula; magsu-shooting na sa Oriental Mindoro

Ejay Falcon pinaiyak ang tatay habang nanunumpa bilang vice governor ng Oriental Mindoro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending