‘TVJ’ muling binuhay sina Dolphy, Babalu, Redford White at iba pang pumanaw na Pinoy comedian sa ‘Magpasikat’ ng ‘It’s Showtime’
WAGING-WAGI sa madlang pipol ang naging performance nina Teddy Corpuz, Vhong Navarro at Jugs Jugueta o “TVJ” sa unang pasabog ng “Magpasikat” sa “It’s Showtime.”
Kahapon, November 6, nagsimula ang week-long anniversary celebration ng “It’s Showtime” kung saan muling nasaksihan ang “Magpasikat” segment ng programa.
Dito magpapagalingan at magpapatalbugan sa production number ang mga host ng noontime variety show ng ABS-CBN na napapanood din sa Kapamilya Channel, A2Z at GTV ng GMA 7.
Ang grupo nina Teddy, Vhong at Jugs na tinawag ding TVJ, ang unang sumalang sa competition kung saan binigyan nga nila ng tribute ang mga komedyanteng Pinoy na pumanaw na.
Bumilib at na-touch ang mga manonood sa production number ng tatlong TV host kung saan muli nilang binuhay ang alaala ng mga namayapang Pinoy comedian na nagbigay saya at tuwa sa publiko noong nabubuhay pa sila.
Baka Bet Mo: Teddy Corpuz sa mga naglalabas ng ‘resibo’ sa socmed: Panget ka-bonding!
Sa pamamagitan ng Artificial Intelligence o AI transformation technology, nag-transform ang “TVJ” bilang sina Comedy King na si Dolphy, Redford White at Babalu habang tumutugtog ang awiting “Sana’y Maalaala N’yo Kami.”
View this post on Instagram
Mas naging emosyonal pa ang pagtatanghal nina Teddy, Vhong at Jugs nang ipinakita rin sa screen sina Chichay, Panchito, Tintoy, Palito, Larry Silva, Pork Chop Duo, Apeng Daldal, Ben Tisoy, Bentong, Bernardo Bernardo, Cachupoy, Carding, Chokoleit, Dely Atay-Atayan, Don Pepot, Elizabeth Ramsey, Gary Lising, Ike Lozada, Joy Viado, Mang Tomas, Richie D’Horsey, Sammy Lagmay, Soxie Topacio, Subas Herrero, Tado, Noel “ Ungga” Ayala, at Zorayda Sanchez.
Ang iba pang komedyanteng binuhay sa naturang production number sa pamamagitan ng AI ay sina Bert “ Tawa” Marcelo, Tia Pusit, Willie Nepomuceno, German Moreno, Mely Tagasa, Blakdyak, Chiquito, Dencio Padilla, Yoyoy Villame, at Rene Requiestas.
Paliwanag ni Vhong sa konsepto ng kanilang “Magpasikat” production number, “Fourteen years na ang It’s Showtime, parang lahat nagawa na natin dito so para sa amin, nag-isip kami. Ano pa ba yung puwede nating ipakita?
Baka Bet Mo: Madlang pipol inatake ng matinding kalungkutan dahil hindi na makakasali si Vhong sa ‘Magpasikat 2022’ ng ‘Showtime’
“Kaya naman naisip ng team namin na gawin ang AI dahil nauuso siya ngayon, pero ang paggamit po ng AI ay dapat ginagamit po yan sa tama, hindi po sa pangloloko.
“Lahat naman tayo darating dito [sa kamatayan] pero siyempre ayaw nating malimutan tayo ng mga tao.
“Na-miss ko rin kasi ang ‘Magpasikat’ last year kaya, at least, ngayon nakabalik uli ako para makapagpasaya ng madlang people,” aniya. Hindi nakasama si Vhong sa 13th anniversary celebration ng “It’s Showtime” last year dahil sa kasong kinasangkutan niya.
Samantala, inimbitahan din nina Vhong, Teddy at Jugs ang veteran actress na si Nova Villa na hindi napigilang maiyak habang ipinakikita ang AI images ng mga kapwa niya komedyanteng namaalam na.
“Kaibigan ko lahat yon. Nakasama ko lahat yon. Lahat ng mga nakita ninyo, nakasama ko, lalo na si Tito Dolphs,” ang umiiyak na pahayag ni Nova Villa.
Naiyak din ang mga naulilang pamilya ng mga pumanaw na Pinoy comedian na nasa studio ng “Showtime” habang pinanonood ang grupo ni Vhong.
Sa darating na Sabado, November 11, ang announcement kung anong grupo ang magiging “Magpasikat 2033” grand champion.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.