'It's Showtime' 13 episode lang dapat sa ABS-CBN, pero tumagal ng 14 years; Jugs Jugueta nawirduhan sa mga napiling host | Bandera

‘It’s Showtime’ 13 episode lang dapat sa ABS-CBN, pero tumagal ng 14 years; Jugs Jugueta nawirduhan sa mga napiling host

Ervin Santiago |August 03,2023
facebook
share this

‘It’s Showtime’ 13 episode lang dapat sa ABS-CBN, pero tumagal ng 14 years; Jugs Jugueta nawirduhan sa mga napiling host

Ervin Santiago - August 03, 2023 - 06:57 AM

'It's Showtime' 13 episode lang dapat sa ABS-CBN, pero tumagal ng 14 years; Jugs Jugueta nawirduhan sa mga napiling host

Teddy Corpuz, Jackie Gonzaga, Lassy Marquez, MC Muah at Jugs Jugueta

NOWS n’yo ba na hanggang 13 episodes lang pala talaga ang pag-ere ng noontime program na “It’s Showtime” sa ABS-CBN?

Yan ang rebelasyon ng isa sa mga hosts ng show na si Jugs Jugueta, ang vocalist ng bandang Itchyworms. Kaya naman hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na 14 years na sa ere ang kanilang programa.

“Showtime was supposed to be 13 episodes lang, one season lang, para lang siyang pang before this show and after this show, para lang pang tawid na show, that’s their lingo eh.

“Thirteen episodes lang, taped, one hour show, and then lalabas siya Saturday night, so once a week, so 13 episodes lang, 13 weeks,” ang pahayag ng OPM artist sa panayam ng “Surprise Guest with Pia Arcangel” podcast.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Dagdag pa niyang kuwento, “So sabi namin ni Teddy (Corpuz, co-host din nila sa Showtime), magkakilala na kami ni Teddy because of the band pero hindi pa kami close nu’ng panahon na ‘yun, sabi namin ‘Ahhh, madaling mag-commit sa 13 episodes, tapos iti-tape lang natin, tapos after nu’n wala na, okay na balik na tayo sa normal lives natin ‘di ba?”

Baka Bet Mo: Kim Chiu ‘best actress’ sa ginawang prank call; Ryan Bang nairita

Kahit daw siya ay nawirduhan nang mabuo na ang grupo na magiging hosts ng “It’s Showtime”, “Ang weird talaga, ang chopseuy talaga. Kanina in-interview kami for GTV (kung saan napapanood na rin ang show) kanina tapos parang sinasabi namin, ang weird talaga ng combination.

“May dancer, may actress, may weather man, may dalawang nagbabanda tsaka may isang stand up comedian. ‘Di ba ang labo, walang combination talaga, but I guess it worked,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Pagpapatuloy pa ni Jugs, “Tapos nu’ng when we were doing the mock show, parang kita mo maganda talaga ‘yung dynamics, maganda ‘yung energy. You could see that it was nice, especially nu’ng andoon na si Anne Curtis, so masaya.”

Mas naging bongga pa ngayon ang “It’s Showtime” dahil patuloy ang pagtaas ng rating nito ngayong napapanood na rin sila sa GTV Channel ng GMA 7.

Kamakailan lang ay pumirma nga ang mga hosts ng programa sa nasabing network na pinangunahan nina Vice Ganda, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Anne, Kim Chiu, Ryan Bang, Amy Perez kasama sina Jugs at Teddy.

Jugs Jugueta pinagtanggol si Vice Ganda; Lolit Solis sumagot

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Paolo Gumabao: Mahal na mahal ko ang stepfather ko kasi grabe yung pagtanggap niya sa akin…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending