Kim Chiu ‘best actress’ sa ginawang prank call; Ryan Bang nairita
NAKAKATAWA ang ginawang prank call ni Kim Chiu sa kanyang “It’s Showtime” family na lumabas sa kanyang Youtube channel.
“Kunyari Chinese citizen talaga ko. Hindi ako Pilipino. Parang ganoon ang nasa isip ko. Tapos ipapa-deport na ako sa China. Pero hoy Filipino citizen ako, ha, born and raised in the Philippines. Pero ano lang, echos, echos lang ‘yun. Tapos nahuli ako ng immigration. Tapos overstaying na ako dito. Tapos akala ko nakapagbayad ang Papa ko dati-dati pa. pero pinagbabayad ako ng P80 million,” say ni Kim.
Ang una niyang tinawagan ay si Teddy Corpus. She asked him kung may kakilala ito sa immigration at sinabi nito ang kanyang problema – na hindi siya Pilipino at hindi makakapagtrabaho. Nagkunwari siya na bumili ang tatay niya ng apelyido at hindi ito valid sa immingration.
“Weh? ang reaction ni Teddy nang malaman kailangang magbayad ni Kim ng P80 million.
Actually, wala pa ako kaso ang sabi ni Jas, si Ryan daw. Wag kang mag-worry. May ganyan ka kalaking ano,” say ni Teddy.
Sa huli ay nabuking din ni Teddy ang prank call dahil tawa nang tawa si Kim.
Next na tinawagan ng “It’s Showtime” host si Ryan Bang. Ganoon din ang chika ni Kim, nahuli siya ng immigration na hindi Pilipino at pinagbabayad ng P80 million.
“Ang ginawa ko kasi, ‘yung di pa ako citizen, ang nangyari sa akin, permanent residency,” say ni Ryan.
Kim asked kung mayroon alam na tao si Ryan na puwedeng hiraman ng P80 million.
“Yung P80 million?” tanong ni Ryan kay Kim. “Kahit 50 million lang,” sagot ni Kim.
“Wag kang magbayad. Tanga-tanga nito. Ba’t ka magbabayad ng P80 million? OA,” say ni Ryan.
Nanghiram si Kim kahit P10 million lang kay Ryan.
“Kung meron ako bibigyan kita pero wala talaga ako ngayon eh,” sagot ni Ryan.
Sinabi ni Kim na totoong kaibigan si Ryan at sinabing prank lang iyon.
Si Jugs Jugueta naman ang “biniktima” ni Kim.
“Totoo ba ‘yan?” tanong ni Ryan nang malaman ang problem ani Kim.
“Yung apelyido ko kasi, hindi pa raw iyon binili ng Papa ko,” say ni Kim.
“Marami kaming kaibigang lawyer pero ’yung kinikita namin every month, tanungin ko. Tanungin ko muna kung ano ‘yung expertise niya,” say ni Jugs.
Nagdrama si Kim na naiiyak na siya kaya nabahala si Jugs.
Sinabi ng dalaga na may meeting sila kinabukasan ng nagreklamo sa kanya.
“Baka niloloko ka lang niyan, hinihingan ka lang ng pera,” Jugs said nang malamang Filipino passport ang hawak ni Kim.
Nagpasalamat si Kim kay Jugs. “Ano ka ba, akala ko nga prank ito, eh,” say ni Jugs. “Prank nga, sagot naman ni Kim.
Si Amy Perez naman ang last na tinawagan ni Kim. Sinabi nitong hindi daw siya Pilipino at binili lang ang apelyido nila. Nasilip daw ito ng immigration at BIR. In 14 days, idedeport siya kapag hindi niya binayaran ang dapat bayaran. Sinabi niyang P80 million ang kanyang bayaran.
“Kimmy, hindi ba ito prank? Pina-prank mo ba ako?” say ni Amy.
“Hindi Tyang,” sagot ni Kim.
Sinabi ni Amy na may tatawagan siyang lawyer. Pinayuhan nitong ’wag magbigay ng kahit na ano.
When asked kung puwede siyang pahiramin ng pera, ito ang sagot ni Amy, “Saan naman ako kukuha ng ganoon kalaking pera. Hindi ko kayang maghanap ng ganoon kalaki. Kahit isangla ko ang katawan ko, walangkukuha.”
Ayun, inamin ni Kim Chiu na prank lang iyong ginawa niya kay Amy.
Karagdagang ulat:
Ryan Bang tuloy ang sustento sa inang Koreana kahit may pandemya; 3 Thai actor sanib-pwersa
Amy biglang napaiyak sa ‘Showtime’, ikinumpara sa saranggola ang mga anak
Follow us: @banderaphl on Twitter | Bandera on Facebook
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.