Paolo Gumabao: Mahal na mahal ko ang stepfather ko kasi grabe yung pagtanggap niya sa akin... | Bandera

Paolo Gumabao: Mahal na mahal ko ang stepfather ko kasi grabe yung pagtanggap niya sa akin…

Ervin Santiago - August 07, 2022 - 06:37 AM

Nonie Buencamino at Paolo Gumabao

ITINUTURING na “dream come true” ng sexy-drama actor na si Paolo Gumabao ang pagbibida sa isang espesyal na episode ng “Maalaala Mo Kaya.”

Noon pa raw niya pinapangarap na makagawa ng kahit isang episode sa “MMK” hosted by Charo Santos kaya naman abot-langit ang pasasalamat niya nang matanggap ang offer ng ABS-CBN.

Magkahalong kaba at excitement nga raw ang naramdaman niya nang sabihan siya na siya ang napiling bida sa episode ng longest-running drama anthology sa bansa na ipalalabas na sa August 20.

“I’ve dreamt about this episode for a long time. Dati ko pang pinapangarap na makagawa ng isang ‘MMK’ episode. Yes, it was the most challenging things I had to do ever since,” sabi ni Paolo sa ginanap na virtual mediacon kamakailan.

Makakasama ng hunk actor dito ang award-winning veteran star na si Nonie Buencamino, sa direksyon ni Nuel Naval.

“I am very happy sa nabigay ko sa episode hindi lang dahil sa sarili ko kung hindi dahil napaka-blessed ko nakatrabaho ko si Direk Nuel, at the same time si Tito Nonie at saka ‘yung ibang mga artista na kasama ko sa episode.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paolo Gumabao (@paologumabao)


“Sobrang laking tulong nila sa akin. I was just riding with everything that they’re throwing at me. It was just such a learning experience for me,” lahad ng binata.

Sa nasabing episode, gaganap sina Paolo at Noni bilang mag-ama na tatalakay sa isyu ng pagtanggap sa kani-kanilang “sexuality and profession.”

Sey ni Paolo, “I can relate to Jason (karakter niya sa kuwento). Ako kasi mahal na mahal ko rin ‘yung papa ko. ‘Cause I grew up with my stepfather, he raised me since I was born.

“And grabe ‘yung pag-a-appreciate ko sa ginawa niya na ‘yon. Kasi hindi madali ‘yun ‘yung tatanggapin mo ‘yung isang bata ng taong mahal mo na hindi naman sa iyo. So grabe ang love ko for my dad because of that,” aniya pa.

Para naman kay Nonie, “Kuwento siya ng samahan ng mag-ama, ‘yung kanilang tunay na pagmamahal nila sa isa’t isa para maitaguyod ang kanilang sarili, paano sila mabuhay, at paano sila magkaroon ng lakas ng loob mabuhay sa mundo.

“Makikita mo sa kuwento na ito kung paano sila nagbabago para masuportahan ang kapwa ang isa’t isa,” dagdag ng beteranong aktor.

Napapanood pa rin ang “MMK” tuwing Sabado, 8 p.m. sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live YouTube channel, ABS-CBN Entertainment Facebook page, at iWantTFC.

https://bandera.inquirer.net/296308/marco-umamin-sa-tunay-na-relasyon-nila-ni-ivana-nagpaalam-kay-jake-bago-chinurva-si-kylie

https://bandera.inquirer.net/304908/ruru-kay-kylie-sobrang-espesyal-mo-sa-akin-malaking-factor-ka-sa-buhay-ko

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/289965/sharon-uminom-ng-totoong-tequila-sa-body-shot-scene-kasama-si-marco-pinagtawanan-lang-ni-kiko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending