Teddy Corpuz sa mga naglalabas ng 'resibo' sa socmed: Panget ka-bonding! | Bandera

Teddy Corpuz sa mga naglalabas ng ‘resibo’ sa socmed: Panget ka-bonding!

Therese Arceo |October 29,2022
facebook
share this

Teddy Corpuz sa mga naglalabas ng ‘resibo’ sa socmed: Panget ka-bonding!

Therese Arceo - October 29, 2022 - 12:53 PM

Teddy Corpuz sa mga naglalabas ng 'resibo' sa socmed: Panget ka-bonding!
NAG-REACT ang “It’s Showtime” host at frontman ng bandang Rocksteddy na si Teddy Corpuz patungkol sa mga taong naglalabas ng “resibo” o screenshot ng mga private messages kapag may nakakaaway o nakakatampuhan na kaibigan.

Sa kanyang tweet nitong Biyernes, Oktubre 28, ibinahagi ng bokalista ang kanyang saloobin hinggil sa mga ganitong klase ng tao.

“Pangit din pala ka bonding yung tropa mo na pag nagka galit kayo, ilalabas yung mga private convo messages nyo sa GC kahit matagal na di pa nya nabubura para nga naman may ‘resibo’. Pangit din pala yung ganun,” saad ni Teddy.

Dagdag pa niya, “I’m sure malala din mga pinagsasasabi natin sa mga marites na gc natin dyan!”

Sey pa ni Teddy, hindi rin daw lahat ng problema ay kailangan daanin sa pagpo-post sa social media at mas maigi na pag-usapan na lang in private.

Paalala pa niya, “Don’t be that kind of person. Just talk and resolve your problems in private. Di naman kailangan daanin sa socmed ang lahat.”

Iba-iba naman ang naging reaksyon ng netizens sa tweet ni Teddy.

“Pangit din ang may kaibigang may sinasabi sayo behind your back. Na expose kasi yung mga sinasabi nya kaya bigla syang nagsorry,” saad ng isang netizen.

“Yes po kuys Teddy npakapangit po na pag-uugali un ganun,” pag-agree naman ng isa.

Amin naman niya, naisip niya lang ito bigla kaya niya ito nai-tweet.

Bagamat wala namang pangalang binanggit si Teddy at maaring magsilbong paalala lang ito sa madlang pipol ay marami pa rin ang tila iniuugnay ito sa nangyaring kontrobersiya sa pagitan nina Wilbert Tolentino at Zeinab Harake.

Matatandaang nitong nakaraang linggo nang gulatin ni Wilbert ang mundo ng social media matapos nitong maglabas ng mga screenshots ng naging usapan nila ni Zeinab ukol sa ibang celebrities at vloggers.

Ito ay nag-ugat sa hindi nila pagkakaintindihan at pag-aakalang sila ang laman ng “blind item” ng isa’t-isa.

Agad namang humingi ng patawad si Zeinab sa mga nadamay sa kanilang alitan ng kaibigang si Wilbert.

Related Chika:
Teddy Corpuz may pakiusap kina Vice, Anne, Vhong, Billy para sa ‘Papa Pogi’

JK Labajo, Teddy Corpuz nag-sorry sa isa’t isa

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tusok-tusok challenge ni Heart pak na pak sa socmed; daliri ni Teddy Corpuz na-sprain sa harutan

ABS-CBN, Teddy Boy Locsin ipinagtanggol si Angel; pinuri ang pagmamahal sa mga Pinoy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending