Madlang pipol inatake ng matinding kalungkutan dahil hindi na makakasali si Vhong sa ‘Magpasikat 2022’ ng ‘Showtime’
INAABANGAN na ng mga Kapamilya viewers ang pagbabalik ng “Magpasikat 2022” segment sa “It’s Showtime.”
But this early, marami ang nanghihinayang na hindi na makakasama si Vhong Navarro kina Vice Ganda, Anne Curtis, Karylle Yuzon, Jhong Hilario, Kim Chiu, Amy Perez, Ogie Alcasid, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Ion Perez, and Jackie Gonzaga.
Next week na ang “Magpasikat” pero ramdam na ramdam ang panghinihayang ng mga netizens dahil wala na nga si Vhong sa show dahil sa kinakaharap nitong kaso.
Marami ang nag-comment sa post ng “It’s Showtime” about “Magpasikat.” Lahat sila ay super hinayang dahil wala nga si Vhong.
“Kakaexcite, pero mas nakaka excite if nakasama si vhong Navarro.”
“I’m so excited, pero mas Masaya sana pag Anjan c vhong nkakamiss c vhong.”
“Aabangan nmin yang magpasikat. sana c vhong makasama nyo na para exciteng. pls god bless.”
“Nakakalungkot wala c vhong.”
View this post on Instagram
Mayroong isang fan naman ang nagtsika na, “Nu’ng nagbunutan yan cla e andyan si vhong cgro mga july or august yan bunutan nila kaya may ka group cya dpat e kso bglang may nangyari nman na hindi inaasahan kaya yang bunutan nila e inedit na wala si vhong.”
Nakakaloka itong si Vice Ganda, nagbiro na milyones ang gagasutisn nila para sa production number niya with Amy Perez na kasama niya sa “Magpasikat.”
“So far, nag-zoom meeting kami, parang 6.8 kilos ang nawawala sa akin sa pag-iisip ko dito. 6.8 million na ‘yung production cost. All in na ‘yun. 6.8 ang production cost. Buti na lang may natipid tayo. May natipid tayong 2.2 million,” pabirong sabi ni Vice Ganda sa isang episode ng “It’s Showtime.”
“Ipasa mo naman dito,” say ni Anne.
“Kung gusto mo ng pera tipirin mo kasi nagkukulot ka pa sa umaga. ‘Wag ka nang magpakulot sa umaga,” say ni Vice Ganda kay Anne.
Kim nagbigay-pugay sa mga atletang Pinoy: Mabuhay ang lahat ng mga babae!
Mike Enriquez sasailalim sa medical procedure kaya mawawala muna sa GMA
Kim, Amy, Karylle winner sa ‘Magpasikat 2021’, premyong P200k ido-donate sa mga batang atleta
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.