Kim nagbigay-pugay sa mga atletang Pinoy: Mabuhay ang lahat ng mga babae! | Bandera

Kim nagbigay-pugay sa mga atletang Pinoy: Mabuhay ang lahat ng mga babae!

Alex Brosas |December 01,2021
facebook
share this

Kim nagbigay-pugay sa mga atletang Pinoy: Mabuhay ang lahat ng mga babae!

Alex Brosas - December 01, 2021 - 07:05 AM

Kim Chiu, Amy Perez at Karylle

MATINDI pala ang pinagdaanan ng team nina Kim Chiu, Karylle at Amy Perez bago sila tanghaling  “Magpasikat 2021” grand winner sa  “It’s Showtime”.

Sa sunud-sunod na posts sa kanyang Instagram ay idinetalye ni Kim ang naging preparation nila for “Magpasikat 2021”.

“To team KAK @anakarylle @amypcastillo @nicainsane @hancels @siachristiane @floresinah @icoymendoza @dgrind_jobel369 Right from the very start ng meeting natin may hashtag na tayo #FIRETHEWIN.

“I am so happy that from start to finish we live up to that hashtag!!! feeling ko dyan talaga tayo kumapit eh.

“May mga times na sobrang happy tayo dahil nag okay na yung mga dapat na mag okay, may times naman na sobrang down tayo like literal dahil may mga bagay na hindi nagiging okay for us.

“But at the end of the day nagagawan natin ng paraan, I love how organized our team was, work deligations lahat gumawa, lahat nag tulungan to improve everyday. Para siyang project talaga for me.

“With our given budget, sa pag ask sa mga sponsors, sa mga guest na kung pwede sila, sa approval ng concept, sa food during reh, sa ichura ng damit, theme color, sa choreography, sa bilang ng tao sa stage, sa effects na muntik pang di matuloy.

“Pero binongga din naman talaga, sa in ear monitor ko, sa pag rush ng damit ni ate k, sa pagawa ni ate karylle ng own composition ng kantang babagay sa production, sa props, sa mga power video ma nakuha ni tyang and many many many more!

View this post on Instagram

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)


“Grabe lang!!!! LIKE WOW!!!!! maswerte ako naka experience ako ng ganito, hindi ka pala ever mag iisa, basta’t nagtutulungan ang sarap sa feeling totoo talaga ang saying na TEAM WORK MAKES THE DREAM WORK.

“To the entire TEAM KAK remember sa group chat natin everytime may goodnews ang saya natin maliit man o malaki sobrang happy natin, until the very end we were able to experience the isang bagsakang pangmalakasang GOOD NEWS, WE WON #magpasikat2021.”

‘Yan ang mahabang aria ni  Kim sa kanyang IG account.  

Nagpasalamat din siya sa Pinay athletes, “Sa mga PINAY ATHLETES thank you!!!! at para sa beneficiary namin which is the GIRLS GOT GAME para sa inyo to. May you keep the fire burning and reach your goals to bring pride and honor to our country. 

“MABUHAY ANG MGA ATLETANG KABABAIHAN, MABUHAY ANG LAHAT NG MGA BABAE!” say ni Kim.

Kim, Amy, Karylle winner sa ‘Magpasikat 2021’, premyong P200k ido-donate sa mga batang atleta


* * *

Magbabago na ang mundo nina Lena (Erich Gonzales) at Lukas (Raymond Bagatsing) dahil matutuklasan na nilang magkadugo at mag-ama sila ngayong linggo sa “La Vida Lena,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Sa isang engrandeng party, magkakaroon ng matinding komprontasyon sina Lena at Lukas sa harap ng kanilang mga pamilya at kasosyo sa negosyo.

Pero emosyonal na papagitna sa kanila si Ramona (Janice de Belen) at ibubulgar nito ang katotohanang mag-ama ang dalawa na ikagugulat ng lahat.

“Sa dinami-dami ng pwede kong maging tatay, bakit si Lukas Narciso pa? Siya ang dahilan ng lahat ng paghihirap ko noon!” daing ni Erich pagkatapos mabasa ang positibong resulta ng DNA test nilang dalawa.

Hindi naman papaniwalaan agad ni Lukas ang rebelasyon pagkatapos niyang siraan si Lena sa harap ng stakeholders ng kumpanya niya. Nalaman kasi ni Lukas ang sabwatan nina Lena at Miguel (Kit Thompson) na bilhin ang sarili niyang kumpanya at tanggalan siya ng kapangyarihang pamunuan ito.

Itutuloy pa ba ni Lena ang paghihiganti sa sarili niyang ama? Paano naman si Lukas?

Subaybayan ang ikatlong season ng “La Vida Lena” mula Lunes hanggang Biyernes, 10 p.m. sa Kapamilya Channel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending