Kim, Amy, Karylle winner sa 'Magpasikat 2021', premyong P200k ido-donate sa mga batang atleta | Bandera

Kim, Amy, Karylle winner sa ‘Magpasikat 2021’, premyong P200k ido-donate sa mga batang atleta

Ervin Santiago - November 28, 2021 - 11:14 AM

Vhong Navarro, Kim Chiu, Amy Perez at Gary Valenciano

WAGING-WAGI ang ipinamalas na “girl power” nina Kim Chiu, Amy Perez at Karylle sa bonggang-bonggang “Magpasikat 2021” ng “It’s Showtime.”

Muling pinatunayan ng tatlong Kapamilya stars na totoo ang kasabihang “women are gold” matapos tanghalin bilang “Magpasikat 2021” grand champion para sa kanilang performance tungkol sa women empowerment.

Nagbigay-pugay ang team KAK sa mga babaeng atleta ng bansa at ipinakita ang katatagan, kagalingan ng mga babae sa kanilang maalab na performance. 

Ang kanilang napalanunan na P200,000 ay ibibigay nila sa Girl’s Got Game foundation na tumutulong sa mga batang babaeng atleta. 

View this post on Instagram

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)


Panalo naman sa second place ang team nina Vice Ganda, Jackie Gonzaga at Ryan Bang na naghatid ng madamdaming performance sa mga taong nawalan ng pamilya sa gitna ng pandemiya. 

Binigyan din nila ng panahon ang ilang madlang pipol para  makapagpaalam sa kanilang minamahal.

Nag-uwi naman ang parehas na team nina Ogie Alcasid at Vhong Navarro na ipinaalala ang mga larong Pinoy at team nina Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, at Ion Perez na isinama ang madlang pipol sa kanilang interactive performance ng P50,000 para sa kanilang napiling beneficiaries. 

Inabangan ng maraming Filipino ang “Magpasikat” performances dahil naging trending topic worldwide ang hashtag ng show na #ShowtimeMagpasikat2021 habang ang #TeamVhongOgie, Karylle, Team VICERYANJACKIE, Team JUGSTEDDYION, Kim Chiu ay naging trending topic naman sa Twitter Philippines.

Napapanood pa rin ang “It’s Showtime” mula Lunes hanggang Sabado sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube channel.
https://bandera.inquirer.net/282431/karylle-walang-balak-layasan-ang-showtime-labs-na-labs-ang-madlang-pipol

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending