Katrina Halili ayaw nang magka-baby uli, mas type mag-alaga ng birds; kailangang tutukan ang anak matapos ma-diagnose ng ASD
KAILANGANG tutukang mabuti ng Kapuso actress na si Katrina Halili ang pag-aalaga at pagpapalaki sa nag-iisa niyang anak na si Katie.
Isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi makatodo sa pagtatrabaho ang sexy actress kahit pa napakaraming nag-aalok sa kanya ng iba’t ibang projects at raket.
Kamakailan ay ibinalita ni Katrina sa publiko na na-diagnose ang anak niyang si Katie ng ASD o autism spectrum disorder.
Ang ASD, base sa isang health website, ay isang neurological and developmental disorder kung saan apektado ang behavior at pakikipag-interact ng taong meron nito sa ibang ta.
Sabi ni Katrina sa panayam ng “Fast Talk With Boy Abunda”, mas mahalaga sa kanya ang maalagaan at matutukan ang pangangailangan ng anak kesa sa tumanggap ng sunud-sunod na acting projects.
“Sabi ng doctor, kailangan ko na siyang tutukan hanggang mag-12 kasi baka lumala, pero nasa mild lang naman po siya.
Baka Bet Mo: Aubrey sinisi ang sarili sa pagkakaroon ng ASD ni Rocket: Sabi ko, ‘Ako ba ‘yan? What did I do? Yung genes ba namin?
“During the pandemic, na-realize ko na wala akong time sa anak ko simula noong ipinanganak ko siya dahil after ng show, dire-diretso. Kaya ang gagawin ko ay one teleserye na lang a year.
“Mas gusto kong matutukan ang anak ko. Kagaya ako ng nanay ko, sobrang strict, sobrang protective at ganoon ako sa anak ko ngayon,” pagbabahagi pa ng aktres na mapapanood uli sa latest GMA series na “Black Rider” starring Ruru Madrid.
Sa Earth School sa El Nido, Palawan nag-aaral si Katie at mukhang okay naman daw sa kanyang anak ang buhay-probinsiya kung saan natututo na itong maging independent sa murang edad.
View this post on Instagram
Nagpapasalamat nga si Kat sa kanyang non-showbiz boyfriend dahil tinutulungan siya nito sa pag-aalaga kay Katie, “Siya yung mas nagtuturo sa akin, kasi stubborn ako, di ba? Stubborn din yung anak ko. So medyo mahirap kaming dalawa.
“Minsan nawawalan ako ng pasensiya, siya yung mas kalmado. Tinutulungan niya ako talaga kay Katie,” aniya pa.
At tungkol naman sa tatay ni Katie na si Kris Lawrence, maayos daw ang co-parenting agreement nila para kay Katie, “Mas okay kami as friends. Mas nagtutulungan kaming dalawa sa lahat ng bagay.
“Kapag may time, tatawagan ni Katie pag nami-miss niya yung papa niya. Pag nasa Manila ako, tatawagan ko si Kris, ‘tapos susunduin niya yung anak niya. Pinapahiram ko naman,” sabi pa ni Katrina.
Sa tanong kung may balak pa siyang magkaanak uli, “Ayoko na. Puro birds ako ngayon. Birds yung alaga ko. Ayoko na magka-baby. Hindi ko kaya. Mahirap. Saludo na lang ako sa mga mommies na maraming baby.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.