Katrina Halili ibinunyag na may ‘mild autism’ ang anak

Katrina Halili ibinunyag na may ‘mild autism’ ang anak: ‘Nag-cut ako ng work para matutukan ko si Katie’

Pauline del Rosario |July 27,2023
facebook
share this

Katrina Halili ibinunyag na may ‘mild autism’ ang anak: ‘Nag-cut ako ng work para matutukan ko si Katie’

Pauline del Rosario - July 27, 2023 - 02:39 PM

Katrina Halili ibinunyag na may ‘mild autism’ ang anak: ‘Nag-cut ako ng work para matutukan ko si Katie’

PHOTO: Instagram/@katrina_halili

BIGLANG nagkwento ang aktres na si Katrina Halili patungkol sa kalagayan at kondisyon ng anak nila ni Kris Lawrence na si Katie.

Ibinunyag ng aktres sa kanyang panayam with King of Talk na si Boy Abunda na ang kanyang 9-year-old daughter ay mayroong mild autism spectrum disorder (ASD).

“Actually after pandemic, na-realize ko na wala akong time sa anak ko simula noong ipinanganak ko siya dahil after ng show, dere-derecho,” sey niya sa programang “Fast Talk with Tito Boy.”

Kwento pa niya, “T’as nine na siya, meron po siyang ASD, autism spectrum disorder. So pina-check ko siya sa doctor, sabi kailangan ko na siyang tutukan hanggang mag-12 kasi baka lumala, pero nasa mild lang naman po siya.”

Sabi pa niya, ito ang naging dahilan kung bakit siya nagbawas ng proyekto at mas tinutukan na alagaan ang anak.

Baka Bet Mo: Katrina Halili ayaw nang magpakasal at magka-baby; umaming BFF ni John Lloyd ang bagong dyowa

“Nag-decide ako na mag-cut ng work, magpaalam sa GMA na one soap na lang ako a year para [matutukan] ko ang sarili ko sa anak ko,” saad niya.

Inamin din ni Katrina na dahil sa kondisyon ni Katie ay marami siyang natutunan bilang isang ina, kabilang na raw ang pagiging mas mapagpasensya.

“Kami ng mama ko, sinasabi ko naman before na hindi kami masyadong close ng mama ko, hindi kami nag-uusap. Kaya ngayon ina-apply ko sa anak ko na kailangang mag-usap kami,” chika ng aktres.

Patuloy pa niya, “Kung mapagalitan ko man siya, kausapin ko siya nang malumanay [kung bakit ‘yun nangyari].”

“Hindi pwedeng sigaw, sigaw, sigaw [lang ako palagi] kasi mas pipiliin ng anak ko na kausapin ‘yung iba kaysa ako. Gusto ko ako ang kausapin niya,” aniya pa.

Nabanggit din ng aktres na ipinasok niya sa Earth School sa El Nido, Palawan ang kanyang anak.

“Napakaswerte lang namin ni Katie na last year lang kami tumira dun tapos last year din nag-open ‘yung The Earth School,” kwento niya.

Paliwanag niya, “Iba siya sa [traditional schools], tinuturuan nila ang mga students na maging independent, magtanim, maglakad sa forest [and] sa beaches.”

Kung matatandaan, taong 2003 nang magsimula ang showbiz career ni Halili na kung saan ay naging contestant siya ng reality show na “StarStruck.”

Ilan lamang sa mga hit teleserye na kinatampukan niya bilang kontrabida ay ang “Marimar,” “Rosalinda,” “Mars Ravelo’s Darna,” at marami pang iba.

Related Chika:

Andrew Schimmer sa lagay ng misis: Everything is going smoothly!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cristine Reyes bumagsak, tumama ang likod sa sahig; na-diagnose ng ‘mild disc bulge’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending