Katrina Halili parang kapatid na ang turing kay John Lloyd Cruz; maayos ang relasyon sa ex-dyowang si Kris Lawrence | Bandera

Katrina Halili parang kapatid na ang turing kay John Lloyd Cruz; maayos ang relasyon sa ex-dyowang si Kris Lawrence

Ervin Santiago |July 26,2023
facebook
share this

Katrina Halili parang kapatid na ang turing kay John Lloyd Cruz; maayos ang relasyon sa ex-dyowang si Kris Lawrence

Ervin Santiago - July 26, 2023 - 07:37 AM

Katrina Halili parang kapatid na ang turing kay John Lloyd Cruz; maayos ang relasyon sa ex-dyowang si Kris Lawrence

Kris Lawrence, Katrina Halili at John Lloyd Cruz

PARANG tunay na kapatid na rin ang turing ng Kapuso actress na si Katrina Halili sa award-winning at Box-office King na si John Lloyd Cruz.

Parehong may resthouse sa El Nido, Palawan sina Katrina at Lloydie at doon nga sila namalagi noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic na tumagal din ng mahigit dalawang taon.

Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda“, naichika ni Katrina ang naging buhay niya sa Palawan kasama ang kanyang anak at mga kapamilya.

Habang naroon siya ay naging close nga sila ni John Lloyd na itinuturing na rin daw niyang kapatid. Malapit din ang aktor sa kanyang anak na si Katie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Katrina halili (@katrina_halili)


Pagbabahagi ng aktres, noong magkapandemya ay nagdesisyon siyang manatili muna sa El Nido para magkasama sila ng anak na matagal-tagal din niyang hindi naasikaso dahil nagtuluy-tuloy ang kanyang trabaho.

“Actually simula noong nag-pandemic na-realize ko na wala akong time sa anak ko simula nang ipinanganak ko siya.

“So, nag-decide ako na mag-cut ng work at magpaalam sa GMA na once soap na lang a year, para makatutok ako sa anak ko,” kuwento ng celebrity mom.

Baka Bet Mo: Pamilya ni Ellen hindi raw boto kay John Lloyd kaya naghiwalay; JLC may binayarang P20-M kay Katrina?

Sa isang bahagi ng panayam ay naitanong ni Tito Boy kay Katrina kung nakikita niya sa Palawan si John Lloyd dahil nabalita nga na doon din naglagi ang aktor noong magdesisyon siyang mamahinga muna sa showbiz.

Chika ni Katrina, “Doon siya sa amin bumili sa area namin. Actually, parang kapatid ko na rin siya e, para siyang anak ng nanay ko. Parang siya na nga ang anak.”

Pero agad nilinaw ni Katrina, hindi raw sa kanya bumili ng property si Lloydie kundi sa nanay niya na siyang may-ari ng na-acquire ng aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Katrina halili (@katrina_halili)


“Kaya akala ng mga tao mayaman ako. Hindi ako, mama ko,” natatawang chika ni Katrina.

Samantala, napag-usapan din nina Tito Boy at Katrina ang ex-boyfriend ng aktres si Kris Lawrence. In fairness, maayos naman daw ang relasyon nila ngayon at okay din daw ang co-parenting status nila para kay Katie.

“Mas okay kami as friends. Mas nagtutulungan kaming dalawa sa lahat ng bagay,” sey ng aktres patungkol sa ama ng kanyang anak.

Pagbabahagi pa ni Katrina hinggil sa relasyon ng mag-ama, “Kapag nami-miss ni Katie, tatawagan niya ‘yung papa niya.

“Kapag nasa Manila ako tinatawagan ko si Kris sasabihin ko, ‘Uy nandito ako sa Manila.’ Tapos ‘yun susunduin niya ‘yung anak niya, hihiramin niya, pinapahiram ko naman po,” sey pa ng Kapuso star.

Tungkol naman sa pag-aasawa, mukhang wala pa ito sa plano ng aktres,
“Naniniwala pa rin naman (sa kasal), pero siguro sa tamang panahon. Pero sa ngayon wala naman sa isip ko.”

Muling mapapanood si Katrina Halili sa upcoming GMA action-drama series na “Black Rider” na pinagbibidahan nina Ruru Madrid at Matteo Guidicelli.

Katrina ‘mabait na nanay’ na naman ang role sa bagong GMA serye; Zoren ‘kinakarma’ na sa ‘Apoy Sa Langit’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Katrina nagsalita na tungkol sa ‘misteryosong sakit’, nanigas ang leeg, sobrang nilamig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending