Katrina nagsalita na tungkol sa 'misteryosong sakit', nanigas ang leeg, sobrang nilamig | Bandera

Katrina nagsalita na tungkol sa ‘misteryosong sakit’, nanigas ang leeg, sobrang nilamig

Ervin Santiago |January 16,2022
facebook
share this

Katrina nagsalita na tungkol sa ‘misteryosong sakit’, nanigas ang leeg, sobrang nilamig

Ervin Santiago - January 16, 2022 - 08:10 AM

Katrina Halili at Wendell Ramos

TOTOONG nagkasakit ang Kapuso actress na si Katrina Halili habang nasa lock-in taping para sa book 2 ng afternoon series na “Prima Donnas.”

Pero agad na nilinaw ng celebrity mom na wala siyang malubha o misteryosong sakit tulad ng mga kumalat na tsismis sa social media.

Sa ginanap na virtual mediacon ng “Prima Donnas” season 2, sumailalim si Katrina sa ilang medical test at sa ngayon ay maayos na ang kanyang health condition matapos mag-take ng maintenance.

Buti nga raw pinayagan siya ng production ng serye na pansamamtala munang lumabas muna sa kanilang lock-in taping para makapagpa-check up.

“Nagpa-MRI (Magnetic Resonance Imaging) po ako, and nagpa-EMG (electromyography) po ako. Dito sa neck ko yung nagka-problem tapos sa nerves ko. Binigyan lang po ako ng gamot.

“Sa ngayon, wala na akong maintenance, okay na po ako. Nu’ng December po natapos na yung gamot ko, so okay na po,” paliwanag ni Katrina.

View this post on Instagram

A post shared by Katrina halili (@katrina_halili)


Kuwento pa ng single mom, natakot daw talaga siya nang hindi na niya magalaw ang kanyang leeg kasabay ng sobrang panlalamig.

“Nu’ng nakaraan lang po talagang alarming kasi naninigas na po siya (leeg), e, nang one and a half month.

“Tapos giniginaw na po ako. Doble-doble na po yung suot ko. As in sa legs, may jacket na, may gloves pa. As in ganu’n na po ako sa taping.

“Nalaman ko na lang po nu’ng nakalabas ako. Tiniis ko na lang po kasi ayokong maging cause ng problema sa Prima Donnas.

“Ayokong mag-stop ng taping kasi alam ko ang dami pang kukunan. So, hinintay ko po yung uuwi kami ng 28.

“Kaso, nu’ng nalaman kong diretso, sinabi ko kung puwedeng magpa-check up lang po ako, tapos babalik po ako.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kasi kung hanggang December po ako iinom ng pain reliever, baka masama na po sa akin,” lahad pa ng Kapuso actress na nagbabalik nga sa book 2 ng “Prima Donnas” bilang nanay ng mga karakter nina Sofia Pablo, Jilian Ward at Althea Ablan at leading lady ni Wendell Ramos.

Katrina: Ang hirap naman ng tanong n’yo, mga lalaki! Wala na talaga akong kilig sa kanila…

Aiko umiiyak na nagpaalam sa Prima Donnas: Sabi ko sa inyo bumibigay na si Kendra…

‘Prima Donnas’ star Elija Alejo 10 years na sa showbiz; Ate Guy muling magpapaiyak sa #MPK

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending