Katrina 'mabait na nanay' na naman ang role sa bagong GMA serye; Zoren 'kinakarma' na sa 'Apoy Sa Langit' | Bandera

Katrina ‘mabait na nanay’ na naman ang role sa bagong GMA serye; Zoren ‘kinakarma’ na sa ‘Apoy Sa Langit’

Ervin Santiago |August 14,2022
facebook
share this

Katrina ‘mabait na nanay’ na naman ang role sa bagong GMA serye; Zoren ‘kinakarma’ na sa ‘Apoy Sa Langit’

Ervin Santiago - August 14, 2022 - 08:45 AM

Zoren Legaspi at Katrina Halili

MULING gaganap bilang isang mabuti at mapagmahal na ina si Katrina Halili sa upcoming GMA Afternoon Prime series na “Unica Hija.”

Madalas na mapanood si Katrina bilang kontrabida noon hanggang sa nabigyan siya ng role na isang surrogate mother sa top-rating soap opera na “Prima Donnas.”

Ibinahagi ni Katrina sa story conference ng serye na nagpapasalamat siya sa GMA dahil ipinagkatiwala sa kanya ang bagong project na ito.

View this post on Instagram

A post shared by Katrina halili (@katrina_halili)


“Thank you sa GMA siyempre. Pinagkatiwalaan na naman nila ko ng mabait na role. Sanay naman ako sa salbahe pero maganda siguro ‘yung impact ng Prima Donnas kaya binigyan nila ko ulit ng mabait na role,” pahayag ni Katrina.

In fairness, bagay din naman sa Kapuso actress ang mga mabait na role pero palaban tulad nga ng naging karakter niya sa “Prima Donnas.” Pero siguradong nami-miss na rin siya ng manonood na nakikipagtarayan, nakikipagsabunutan at nakikipagsampalan sa bida.

Anyway, makakasama rin sa “Unica Hija” sina Kate Valdez, Kelvin Miranda, Mark Herras, Faith Da Silva, Athena Madrid, Boboy Garovillo, Maricar De Mesa, Bernard Palanca, Maybelyn Dela Cruz, Biboy Ramirez, Jennie Gabriel, Jemwell Ventenilla, at Alfred Vargas sa isang natatanging pagganap.

Abangan ang “Unica Hija” sa GMA.

* * *

Unti-unti na ngang kinakarma ang karakter ni Zoren Legaspi sa top-rating GMA Afternoon Prime series na “Apoy Sa Langit.”

Matapos wakasan ni Gemma (Maricel Laxa) ang relasyon kay Cesar, si Stella (Lianne Valentin) naman ngayon ang natatauhan sa kasamaan nito. Nadidiskubre na sa wakas ni Stella ang maitim na pag-uugali ng kanyang pinakamamahal.

Dahil sa sunod-sunod na maiinit na tagpo sa serye, kitang-kita ang pagka-hook ng mga manonood pati na rin sa mahusay na pagganap ng mga bida at kontrabida.

Komento ng mga netizen ay ramdam nila ang sakit na pinagdaraanan ni Stella. May mga nagsabi rin na walang kupas ang husay nina Maricel at Mikee Quintos bilang Ning sa kanilang pag-arte.

Biro naman ng isang netizen kina Gemma at Ning, “Direk, bigyan niyo ng sariling body guard sina Gemma at Ning.”

At siyempre, hindi rin matatawaran ang husay ni Zoren sa programa na talagang pinagtsitsismisan ng mga Marites na sumusubaybay sa kuwento.

Patuloy na ba ang paghihiganti ng mga babaeng inapi ni Cesar? Kailan kaya makakamit nina Gemma at Ning ang hustisya laban kay Cesar?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abangan ang mga matitinding tagpo sa huling tatlong linggo ng “Apoy Sa Langit,” Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. sa GMA lang.

Katrina nagsalita na tungkol sa ‘misteryosong sakit’, nanigas ang leeg, sobrang nilamig

‘Mommy hugot’ ni Sheena: Gandang lumalaban sa puyat, pagod at hirap sa pag-iisip anong uulamin namin next week…

2 aktres sa ‘Emily In Paris’ na-meet ni Heart nang personal; Kate Valdez, Kelvin Miranda magtatambal sa ‘Unica Hija’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending