Katrina Halili aminadong sobrang istrikto at protective sa anak: ‘Pero hindi pwede ‘yung sigaw, sigaw, sigaw’
AMINADO ang Kapuso actress na si Katrina Halili na sobrang istrikto at super protective siyang nanay sa nag-iisang anak na si Katie.
Sabi ni Katrina, namana niya raw ang diskarte at istilo ng kanyang nanay pagdating sa pagpapalaki at pagdidisiplina sa anak na naranasan nga niya noong bata pa siya.
Sa panayam ng King of Talk na si Boy Abunda sa programa niyang “Fast Talk” sa GMA 7, natanong ang aktres kung mahigpit din ba siya sa pagpapalaki kay Katie.
“In the context of pagpapalaki, mayroon ka bang ginagamit na estilo na ginawa ng mama sa ’yo na ina-apply mo ngayon kay Katie?” ang question ni Tito Boy sa Kapuso star.
View this post on Instagram
“Actually, parang kagaya ako ng nanay ko, sobrang strict, sobrang protective. Ganoon ‘yung mama ko sa akin. Sobrang strict, sobrang protective at ganoon ako sa anak ko ngayon,” tugon ni Kat.
“Pero open kayo, nag-uusap kayo ng anak mo?” ang sundot na tanong ng award-winning TV host.
Baka Bet Mo: Katrina Halili ayaw nang magpakasal at magka-baby; umaming BFF ni John Lloyd ang bagong dyowa
“Yes, oo. Kasi kami ng mama ko like sinasabi ko naman before na hindi kami masyadong close ng mama ko, hindi kami nag-uusap ganyan.
“Kaya ngayon, ina-apply sa anak ko na kailangang mag-usap kami, kung mapagalitan ko man siya, kakausapin ko siya ng malumanay.
View this post on Instagram
“Hindi pwede ‘yung sigaw, sigaw, sigaw. Kasi, mas pipiliin ng anak ko na kausapin ‘yung iba kesa ako, gusto ko ako,” ang punto pa ng magaling na Kapuso kontrabida.
Samantala, kinumusta rin ni Tito Boy ang naging experience niya sa pag-attend sa naganap na GMA Gala 2023 last Saturday.
“Kumusta ‘yung ano, kumusta ‘yung ball. How was it? Kumusta ‘yong iyong experience sa GMA ball?” pangungumusta ni Tito Boy.
Tugon ng aktres, “Actually at first po talagang kinakabahan ako, ayaw ko talagang pumunta. Siyempre wala naman akong choice, nasa Manila ako, so required akong pumunta.
“Pero pagdating ko doon sobrang saya ko, kasi nakita ko lahat ang mga co-workers ko na hindi ko na nakikita before, mga creatives, director, mga kaibigan ko,” pagbabahagi pa ni Katrina Halili.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.