Richard bilang tatay ni Juliana: Hindi naman ako istrikto na namamalo, I’m more of ‘makuha ka sa tingin' | Bandera

Richard bilang tatay ni Juliana: Hindi naman ako istrikto na namamalo, I’m more of ‘makuha ka sa tingin’

Ervin Santiago |July 17,2022
facebook
share this

Richard bilang tatay ni Juliana: Hindi naman ako istrikto na namamalo, I’m more of ‘makuha ka sa tingin’

Ervin Santiago - July 17, 2022 - 07:16 AM

Juliana Gomez, Lucy Torres at Richard Gomez

INAMIN ni actor-politician Richard Gomez na may sarili siyang style sa pagdidisiplina sa anak nila ni Lucy Torres na si Juliana.

Medyo pagkaistrikto rin daw siya bilang ama pero alam niyang nasa lugar pa rin ang pagdidisiplina niya sa kanyang unija hija.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Richard Gomez 🇵🇭 (@richardgomezinstagram)


“I’m not strict naman with the way she dresses up, I allow her naman to be with her friends but kapag sinabi ko na kailangan 10 p.m. nasa bahay ka na, nasa bahay ka na by that time,” sabi ng kongresista ng Leyte sa isang episode ng “Surprise Guest with Pia Arcangel ”

“Hindi naman ako istrikto na namamalo. I’m more of ‘makuha ka sa tingin,’” aniya pa.
At tungkol naman sa mga suitors ni Juliana, “Kung may manliligaw sa kanya wala naman problema, at least manligaw sila sa bahay, ayaw ko na nagtatago sila.”

“Ayaw ko rin naman na tatakas-takas siya, so visit and join us for dinner, let’s go out together, ganu’n,” sey pa ni Goma.

* * *

Mapupuno ng kilig at good vibes ang Linggo ng Kapuso viewers dahil tampok ang Sparkle Sweethearts na sina Sofia Pablo at Allen Ansay sa pinakabagong episode ng “Regal Studio Presents.”

Matapos bumida sa top-rating episode na “Raya Sirena,” muling mapapanood ang dalawa na mas kilala bilang Team Jolly sa episode na “Mind the Gap.”

Gaganap si Sofia bilang si Yuki na may intellectual disability at si Allen naman bilang Ian, ang kapitbahay niyang may pagka-pasaway.

May mabubuo kayang pag-iibigan sa dalawa o hanggang friends lang sila?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood ang “Regal Studio Presents: Mind the Gap” ngayong Linggo (July 17), 4:35 p.m. sa GMA.

Bong sumabak sa matinding training para sa Agimat Ng Agila: Hindi ko talaga maiiwan ang showbiz

Vice ayaw nang patulan ang pagngawa ni Juliana Parizcova: ‘Kasi hindi naman siya ‘yung bina-blind item’

Juliana Parizcova Segovia may bwelta sa kasamahang sasampalin daw siya: Tuparin mo po yan!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending