Abegail Rait pinagsabihan ni Rendon Labador: Tama na 'yan madam | Bandera

Abegail Rait pinagsabihan ni Rendon Labador: Tama na ‘yan madam

Therese Arceo |November 04,2023
facebook
share this

Abegail Rait pinagsabihan ni Rendon Labador: Tama na ‘yan madam

Therese Arceo - November 04, 2023 - 10:29 PM

Abegail Rait pinagsabihan ni Rendon Labador: Tama na 'yan madam

SINITA ng social media personality na si Rendon Labador ang nagpakilalang dating karelasyon ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona na si Abegail Rait.

Ito ay matapos maglabas ng official statement ng dating flight attendant sa pamamagitan ng isang video na in-upload nito sa YouTube noong Biyernes, November 3.

Nagdesisyon kasing magsalita si Abegail dahil marami na ang nambabatikos hindi lang sa kanya kundi sa kanyang anak na si Gaile Francesca.

Bukod pa rito, humingi rin siya ng tawad sa mga nasaktan lalo na sa pamilya Magalona kung nasaktan ito sa kanilang paglantad na mag-ina.

Nagbigay komento naman si Rendon sa isang article na inilabas ng isang online news page ukol sa pahayag ni Abegail.

“Ang hirap talaga sa Pilipinas, biro mo patay ka na may issue ka pa? Tama na ‘yan madam, wala ka na bang makain?” saad ni Rendon.

Baka Bet Mo: Abegail Rait humingi ng tawad sa Magalona family: Hindi ko po pinagmamalaki ang naging pagkakasala ko pero tao lang po ako

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Hirit pa niya, ““Respeto na lang tayo, halatang patay na patay ka kay idol Francis M.”

Umani naman ito ng samu’t saring komento mula sa madlang pipol ang naturang pahayag ni Rendon.

“Dpat dyan ky Rendon ban na sa kahit anong klaseng social media non sense na mga sinasabi offensive pa masyado,” saad ng isang netizen.

Banat naman ng isa kay Rendon, “Paki Sustentuhan si Francesca para sa pag aral niya at Pangarap niya. Puro kayo salita wala naman kayong ambag sa buhay nila.”

Samantala, wala pa namang pahayag si Abegail sa patutsada sa kanya ng social media influencer.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas naman ang Bandera para sa pahayag ng umano’y ex lover ni Francis M.

Related Chika:
Julius Babao walang nakuhang ‘resibo’ kung tunay na anak ni Francis M si Gail Francesca; Abegail Rait tumatakbong kagawad

Sey ni Abegail Rait, ‘single’ si Francis Magalona nang maging sila: Wala na sila ni Pia nung dumating ako sa buhay niya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending