Abegail Rait humingi ng tawad sa Magalona family: Hindi ko po pinagmamalaki ang naging pagkakasala ko pero tao lang po ako | Bandera

Abegail Rait humingi ng tawad sa Magalona family: Hindi ko po pinagmamalaki ang naging pagkakasala ko pero tao lang po ako

Therese Arceo - November 03, 2023 - 01:47 PM

Abegail Rait humingi ng tawad sa Magalona family: Hindi ko po pinagmamalaki ang naging pagkakasala ko pero tao lang po ako

NAGLABAS ng opisyal na pahayag ang dating flight attendant at umano’y “ex lover” ni Francis Magalona na si Abegail Rait patungkol sa mga isyung naglabasan matapos ang kanilang paglantad sa publiko.

Matatandaang nakilala ang dating flight attendant nang magbenta ito ng Francis M memorabilia kay Boss Toyo ng Pinoy Pawnstars at marami nga ang nagulat nang ilahad niya ang kuwento kung paano niya nakuha ang naturang jersey ng yumaong master rapper.

Dito inilahad ni Abegail na naging magkarelasyon sila ni Kiko bago ito namatay at nagkaroon sila ng anak at ito ay si Gaile Francesca.

Simula noon ay naging laman na ng balita ang dating flight attendant maging ang kanyang anak at marami sa mga netizens ang tumawag sa kanya ng “mistress”, “homewrecker”, “kabit”, at marami pang iba.

Sa pamamagitan ng isang video na uploaded sa YouTube ay binasag na ni Abegail ang kanyang pananahimik ukol sa mga isyung kinasangkutan.

“I need to take this video for once to address all the hanging questions ng mga humuhusga, nagpapaabot ng suporta, higit sa lahat, ‘yung may pang-unawang malawak [kung] bakit nga ba ako lumantad sa ganitong pagkakataon.

Baka Bet Mo:  Abegail Rait natalo sa barangay elections, Rendon Labador humirit: ‘Hindi ka pa nananalo pero nagtago ka na agad sa loob ng 15 years’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Madaming nag-i-invite sa akin for interview na never po akong tumanggap unless relevant po sa anak ko. Ok lang po sa akin na ako na ang pinakamasamang tao sa paningin n’yo. Homewrecker, kabit, mistress, lahat na ng adjective na nagamit n’yo, tanggap ko po. Pero ang pinakikiusap ko lang po sana, huwag naman ang anak ko,” saad ni Abegail.

Aniya, aminado siya na nagkamali siya pero pilit niyang ipinapakita sa anak niya na kaya niya itong ipagtanggol.

Pagpapatuloy pa ni Abegail, “Sana po maintindihan n’yo ako bilang ina na nagsasalita para sa kanyang anak.”

Iginiit niya na kaya lang daw sila nagdesisyon na ibenta ang jersey at magdala ng iba pang proof para maniwala si Boss Toyo at bilhin ang Francis M memorabilia ay bilang pangsuporta at dagdag pantustos sa pangarap ni Chesca na pasukin ang mundo ng showbiz dahil nahihirapan sila na magpabalik balik mula Cavite papuntang Quezon City para sa mga trainings at workshop ng anak.

“Ordinaryong bata lang po si Chesca na napakaraming pangarap. Mag-isa lang po akong sumusuporta sa kanya with my mom at walang magulang ang hindi kayang gawin ang lahat para sa anak niya,” lahad pa ni Abegail.

Humingi rin siya ng tawad sa lahat ng mga taong nasaktan sa kanilang paglabas sa publiko lalo na sa pamilya ni Francis M.

“Sa lahat po ng nasaktan, sa pamilya po ni Kiko, humihingi po ako ng dispensa sa lahat po ng kaguluhan na ito. Hindi ko po pinagmamalaki ang naging pagkakasala ko pero tao lang po ako. Hindi ako perpekto. Di po ako magpe-pretend ng kung anu-ano.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kung mali man po ang paglantad naming mag-ina, I’m sorry. Pero hindi n’yo ko kailangang husgahan sa kung ano lang ang nababasa n’yong pinalala ng opinyon ng mga mapanghusgang tao… Laitin n’yo po ako, tanggap ko ‘yun. Pero ang pratangan n’yo kung anak niya [Francis M], magsasalita po ako,” sey pa ni Abegail.

Related Chika:
Francis M may huling habilin kay Joey De Leon, may kinalaman kaya sa paglantad ng mag-inang Gail Francesca, Abegail Rait?

Julius Babao walang nakuhang ‘resibo’ kung tunay na anak ni Francis M si Gail Francesca; Abegail Rait tumatakbong kagawad

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending