Sey ni Abegail Rait, 'single' si Francis Magalona nang maging sila: Wala na sila ni Pia nung dumating ako sa buhay niya | Bandera

Sey ni Abegail Rait, ‘single’ si Francis Magalona nang maging sila: Wala na sila ni Pia nung dumating ako sa buhay niya

Therese Arceo |November 04,2023
facebook
share this

Sey ni Abegail Rait, ‘single’ si Francis Magalona nang maging sila: Wala na sila ni Pia nung dumating ako sa buhay niya

Therese Arceo - November 04, 2023 - 02:10 PM

Sey ni Abegail Rait, 'single' si Francis Magalona nang maging sila: Wala na sila ni Pia nung dumating ako sa buhay niya
SA kabila ng paghingi ng tawad ni Abegail Rait sa pamilya Magalona matapos ang naging paglantad nilang mag-ina, nanindigan itong single si Francis Magalona nang magkaroon sila ng relasyon.

Sa kanyang inilabas na official statement sa pamamagitan ng isang video clip na uploaded sa kanyang bagong gawang YouTube channel, inihayag niya na diumano’y hiwalay na ang master rapper sa asawa nitong si Pia Arroyo-Magalona nang maging sila.

Nagdesisyon na si Abegail na basagin ang kanyang pananahimik hinggil sa mga isyung naglabasan nang lumantad siya sa publiko kasama si Gaile Francesca na umanomy bunga ng pagmamahalan nila ni Francis M. upang ipagtanggol ang sarili at anak sa mga hindo magagandang komento na ibinabato sa kanilang mag-ina.

Matatandaang unang silang nakilala nang ibenta nila ang jersey ni Kiko sa vlogger na si Boss Toyo at ikinagulat nga ng lahat ang istorya sa likod ng naturang memorabilia.

Lahad ni Abegail, “Ok lang po sa akin na ako na ang pinakamasamang tao sa paningin n’yo. Homewrecker, kabit, mistress, lahat na ng adjective na nagamit n’yo, tanggap ko po. Pero ang pinakikiusap ko lang po sana, huwag naman ang anak ko.

“Aminado po ako, tao lang ako na nagkakamali, nasasaktan, pero imbes na iiyak ko ay ipinapakita ko sa anak ko na kaya ko siyang ipagtanggol. Sana po maintindihan niyo ako bilang ina na nagsasalita para sa kanyang anak.”

Baka Bet Mo: Abegail Rait humingi ng tawad sa Magalona family: Hindi ko po pinagmamalaki ang naging pagkakasala ko pero tao lang po ako

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Chika ni Abegail, nagdesisyon silang ibenta ang jersey upang makatulong sa panggastos nila sa pagtupad ng pangarap ni Chesca na mag-artista.

“Hindi ako maalam sa batas pero ang tanong ko po, ang hindi alam nang nakararami na nung magkarelasyon kami ni Kiko, hanggang sa mamatay siya, alam ko kung ano ang estado ko sa buhay niya,” sabi ng umano’y ex-lover ni Francis M.

Saad pa ni Abegail, “Ito na lang din pong tanong ang gusto kong maliwanagan—kung kabit po ako, nanira ng pamilya, sana may maglakas ng loob na magsabi na wala na sila ni Pia nung dumating ako sa buhay niya [Francis].

“Dalaga po ako noong naging kami ni Kiko. Wala na po siya sa family residence nila for years. And wala po akong na-violate na batas sa Pilipinas kasi single po ang marital status ng partner ko hanggang sa kamatayan niya.”

Aniya, ipinaliwanag daw sa kanya noon ni Kiko ang kanilang kakaharapin at ipinagpaalam pa raw siya nito sa kanyang ina pati sa kanyang pamilya.

“Wala po akong hinahabol. Masyado nang matagal ang nangyari. We are not expecting any approval or acceptance but respect,” giit pa ni Abegail.

Samantala, wala pa namang pahayag ang pamilya Magalona hinggil sa naging pahayag ng dating flight attendant at “ex-lover” ni Kiko Pangilinan.

Bukas naman ang Bandera para sa pahayag ng mga kampong dawit sa isyung ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Julius Babao walang nakuhang ‘resibo’ kung tunay na anak ni Francis M si Gail Francesca; Abegail Rait tumatakbong kagawad

Abegail Rait natalo sa barangay elections, Rendon Labador humirit: ‘Hindi ka pa nananalo pero nagtago ka na agad sa loob ng 15 years’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending