Sharon Cuneta, Bong Revilla magkakaroon ng reunion movie?

Sharon Cuneta, Bong Revilla magkakaroon nga ba ng reunion movie?

Pauline del Rosario |November 04,2023
facebook
share this

Sharon Cuneta, Bong Revilla magkakaroon nga ba ng reunion movie?

Pauline del Rosario - November 04, 2023 - 10:44 AM

Sharon Cuneta, Bong Revilla magkakaroon nga ba ng reunion movie?

PHOTO: Instagram/@bongrevillajrph

MATAPOS ang matagumpay ng reunion concert with Gabby Concepcion kamakailan lang, mukhang may bagong proyekto ang Megastar Sharon Cuneta.

May niluluto kayang reunion movie ang veteran singer-actress at actor-politician na si Senador Bong Revilla Jr.?

‘Yan ang naging tanong ng maraming netizens matapos ibandera ni Sharon sa isang Instagram post ang pagkikita nilang dalawa.

Bukod kay Senador Bong, present din sa tila dinner event ang executive ng ABS-CBN na si Malou Santos, pati na rin ang ilang mga direktor.

Walang caption ang nasabing post, pero tinag ni Sharon ang aktor at ang executive.

Baka Bet Mo: Sharon Cuneta ibinandera ang ‘surprise visit’ ni KC Concepcion bago ang reunion concert: It was the first time I saw her again

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)

Sa comment section, mababasa ang halo-halong reaksyon ng fans.

Karamihan sa kanila, nagre-request din ng pelikula na kasama ulit ang dati niyang partner na si Gabby.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Kahit mauna ito makakapaghintay ako sa ShaGab! hahahah bagay din sila ni Bong sa totoo lang natabunan lang ng mga ex ni Mega pero isa ito sa best chemistry niya.”

“Gusto ng madlang pipol SHAGAB muna plssss[purple hearts emojis]”

“We are excited…kung anuman pong project ang pagsasamahan niyo”

“Naku po we’re asking for ShaGab movie pero mukhang ShaBong naman ang ibibigay…no comment [peace sign emoji] basta love u mama Sha…”

“Wow something big is coming!! kaso hindi ba si papi po muna? [holding back tears emoji] pero happy to whatever you give Mama [heart hands emoji]”

Samantala, nag-post din mismo si Bong ng picture nila ni Sharon sa kanyang Instagram account at tila may parinig na sa nilulutong proyekto.

Kalakip niyan ang caption na, “After ‘PANGAKO SA ‘YO,’ anong kasunod? [blushing, thinking face emojis]”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ramon Bong Revilla, Jr. (@bongrevillajrph)

Kung matatandaan, mahigit tatlong dekada na ang nakalilipas mula nang magtambal sa pelikula sina Sharon at Senador Bong.

Ito ang romantic film na “Pangako Sa’yo” na ipinalabas noon pang 1992.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:

Bong Revilla biglang isinugod sa ospital, Lolit Solis nag-alala: Scary ang dating sa akin ng balita

Bayani Agbayani nabigyan ng mamahaling regalo ni Sharon Cuneta: ‘Siya lahat ang nagbayad…P200,000 plus’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending