Sharon Cuneta kilig na kilig sa pagkikita nila ni Taemin ng SHINee

Sharon Cuneta kilig na kilig sa pagkikita nila ni Taemin ng SHINee: ‘Di ko kinakaya itoooooo!!!’

Pauline del Rosario |October 15,2023
facebook
share this

Sharon Cuneta kilig na kilig sa pagkikita nila ni Taemin ng SHINee: ‘Di ko kinakaya itoooooo!!!’

Pauline del Rosario - October 15, 2023 - 02:05 PM

Sharon Cuneta kilig na kilig sa pagkikita nila ni Taemin ng SHINee: ‘Di ko kinakaya itoooooo!!!'

PHOTO: Instagram/@reallysharoncuneta

LUMABAS ang pagiging fangirl ni Megastar Sharon Cuneta matapos niyang ma-meet at makausap sa personal si Taemin, ang isa sa mga miyembro ng kanyang favorite K-Pop boy band na SHINee.

Sa serye ng kanyang Instagram posts, proud na ibinandera ni Sharon ang kanyang memorable experience.

Nangyari ‘yan noong October 13 sa SM Mall of Asia Arena sa “K-Magic Live” concert kung saan nag-perform si Taemin kasama ang ilan pang K-Pop idols, katulad nina Hyoyeon ng Girls’ Generation at Yugyeom ng GOT7.

Sa unang IG post ng Megastar, ramdam ang pagiging excited niya na mapanood ang kanyang iniidolo.

Caption pa nga niya sa post, “Kahit masama ang pakiramdam at sobrang stressed…I’ve waited so long for this! I sooo need this tonight.”

“Thank you for coming, Taeminnie @shineetaemin in Manila! Coming, our baby cheese!” aniya pa.

Baka Bet Mo: Bakit nga ba kung kailan pa tumanda si Sharon Cuneta ay saka pa siya nahumaling sa K-Pop…may sagot d’yan si Mega!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)

Kasunod niyan ay ibinandera naman ng batikang singer na nag-meet pa sila ng K-Pop idol at nagkaroon pa sila ng ilang pictures together.

Sey pa ni Sharon sa post, “YES!!! I met Taemin Oh. My. Gosh. Thank You Jesus! Naiyak ako!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)

Sa isa pang post ay makikita ang isang video na nagkausap silang dalawa at halata ang pagkatuwa at pagkasabik ni Sharon.

“I will never forget this night!!!” wika ng singer sa IG.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)

Pagkatapos ng tila naging meet and greet ng dalawa ay nag-post naman si Sharon ng kanyang naramdaman.

Ipinakita pa niya ang kanyang picture na nakaupo na sa sahig at sabay sabing, “After meeting Taemin. Sige magtawa kayo!!! [laughing face emojis]”

“‘Di ko kinakaya itoooooo!!! So unexpected!!! I didn’t even make a request but God was watching me!!!” sambit pa niya.

Nabanggit din niya ang inaabangang reunion concert nila ng dating asawa na si Gabby Concepcion na gaganapin din sa Mall of Asia sa darating na October 27.

“In two weeks ako naman sa MOA ngeeeee!!! [laughing face emojis]” saad niya.

Mensahe pa ni Sharon, “Thank you so much Taeminssi! You are so nice and humble and more handsome in person! Like I promised, I will always pray for you! God bless you!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)

Maraming netizens naman ang kinilig rin at napa-OMG sa mga post ni Sharon.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Grabe!!! I’m so happy for you Ms. Shawie!!! [smiling face emoji] Pero ano kaya feeling ni Taemin na isang Megastar ung fan nya. Hahahaha!”

“Haisst kung alam lang ni TAEMIN ang kaharap niya po! [emojis] He’s so lucky too! Nag-iisang Megastar [star emoji] fan niya [holding back tears emojis] Whew!!!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Deserve!!! As a fellow Shawol, so happy for you, my mega! [happy face with heart-eyes emoji]”

“What great happiness for you, it fills my heart with happiness that you were able to share a moment with Taemin [red heart, heart hands emojis]”

Related Chika:

Sharon nakitili, nakisayaw sa K-pop concert: Nakakahiya man pero SHINee lang ang nakakapagpaiyak sa akin ng ganito!

Sharon Cuneta dinedma daw ng ABS-CBN young artists: Parang ‘yung dinaanan nila poste lang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending