Sharon nakitili, nakisayaw sa K-pop concert: Nakakahiya man pero SHINee lang ang nakakapagpaiyak sa akin ng ganito! | Bandera

Sharon nakitili, nakisayaw sa K-pop concert: Nakakahiya man pero SHINee lang ang nakakapagpaiyak sa akin ng ganito!

Ervin Santiago |May 30,2022
facebook
share this

Sharon nakitili, nakisayaw sa K-pop concert: Nakakahiya man pero SHINee lang ang nakakapagpaiyak sa akin ng ganito!

Ervin Santiago - May 30, 2022 - 10:48 AM

SHINee at Sharon Cuneta

AGAW-EKSENA si Megastar Sharon Cuneta sa ginanap na “Begin Again KPOP Edition” concert kagabi, May 29, sa Araneta Coliseum.

Bukod sa pinalakpakan ng mga K-pop fans nang lumabas siya mula sa backstage ng Big Dome, kitang-kita rin ng audience ang pag-iyak ni Mega habang nanonood ng concert.

At yan ay dahil nga sa paborito niyang Korean group na SHINee kung saan isa sa member nga nito ang nag-perform nang bonggang-bongga sa matagumpay na “Begin Again KPOP Edition” concert.

Sa tweet ng kanyang anak na si Frankie Pangilinan, makikita si Sharon na umiiyak, tumitili at sumasayaw habang pinanonood  si Kim Ki-bum o mas kilala bilang Key ng SHINee.

“Kim Kibum kaw lang ang nagpapaiyak ng mama ko na ganto,” ang caption ni Frankie sa ibinahagi niyang litrato ng kanyang nanay sa Twitter.

Sa kanya namang Instagram, ipinost din ng OPM at movie icon ang litratong kuha ni Frankie pati na rin ang ilang video mula sa mga kapwa niya SHINee fans.

Sabi ni Mega sa caption, “Nakakahiya man pero SHINee (this time si Key pa lang) ang nakakapagpaiyak sa akin ng ganito.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)


Matagal nang fan si Mega ng SHINee at talagang ibinabandera niya sa madlang pipol kung gaano niya kamahal ang mga miyembro ng nasabing K-Pop group sa pamamagitan ng social media.

Noong 2019, tuwang-tuwa rin si Sharon nang ma-meet ang grupong NCT 127 at dito nga niya nabanggit na talagang babaha ng luha kapag nakita rin niya sa personal ang SHINee at ang EXO.

“I was so happy when I got to meet NCT 127, but I will cry buckets if all of SHINee comes. And possibly EXO too (especially DO),” sabi pa ng misis ni Sen. Kiko Pangilinan.

Nabanggit din niya na talagang nag-effort siya na magbiyahe mula sa Ilocos pauwi ng Manila para lang mapanood ang concert ng SHINee.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa latest post naman ni Shawie, ibinalita niya na balik-trabaho na siya sa lock-in taping ng “Ang Probinsyano” sa Ilocos, “Back to Ilocos tomorrow for work. God bless you all!”

Mega hindi papayag na basta na lang mabura ang tambalang Sharon-Gabby sa showbiz

Sharon naging instant fan ng pagla-live selling ni Mariel: Tuwang-tuwa ako sa ‘yo bebe! Ang cute mo!

Sharon, Kiko halos 4 na oras pumila bago nakaboto: We pray that God will bless our country with leaders who will do what is best for all of us

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending