Pokwang kumasa sa P1k challenge, namalengke sa talipapa: 'Para maramdaman n'yo talaga, kailangan kayo mismo ang pupunta' | Bandera

Pokwang kumasa sa P1k challenge, namalengke sa talipapa: ‘Para maramdaman n’yo talaga, kailangan kayo mismo ang pupunta’

Ervin Santiago - October 05, 2023 - 07:12 AM

Pokwang kumasa sa P1k challenge, namalengke sa talipapa: 'Para maramdaman n'yo talaga, kailangan kayo mismo ang pupunta'

Pokwang

TULAD nang ipinangako ng TV host-comedienne na si Pokwang sa kanyang fans at social media followers, ibinahagi nga niya sa publiko ang ginawang “P1,000 challenge.”

Ito’y may kaugnayan pa rin sa na-bash na P1,000 weekly meal plan ng aktres at negosyanteng si Neri Miranda na ipinost niya sa Instagram kamakailan.

Ayon sa ilang netizens, hindi raw kapani-paniwala at makatotohanan ang ginawang menu ni Neri kung sila ang gagamit nito dahil sa nga sa mahal na ng mga bilihin ngayon.

Sa pamamagitan ng isang video, ipinakita ni Pokie ang lahat ng mga napamili niya mula sa isang talipapa na nagkakahalaga ng isang libong piso.

Ayon sa komedyana, sumabak siya sa P1000 challenge at nagtungo sa isang palengke sa Mariveles, Bataan para doon bumili ng mga kakailanganin niya sa mga ilulutong putahe.

Sey ni Pokwang, nais niyang ipakita sa publiko kung hanggang saan talaga aabot ang kanyang P1,000 kung ang iluluto niya ay ang mga pagkaing nakalakihan ng kanyang pamilya.

“So, magluluto tayo ng gulay na lutuin namin noong bata kami at kung paano kami naka-survive gamit ang sardinas at tuyo,” sabi ng Kapuso star habang ipinakikita ang mga nabiling gulay, isda, mga panggisa, mantika at iba pa.

Ang advice ni Pokwang, lalo na sa mga nanay na talagang naging buhay na ang pagluluto para sa kanilang pamilya, dapat daw ay sila mismo ang mamamalengke.

Baka Bet Mo: Madam Kilay proud na ibinandera ang panganganak: ‘Welcome to the world Baby Lakas!’

“Para maramdaman ninyo talaga, kailangan kayo mismo ang pupunta. You have to do it personally. Kailangan raramdamin ninyo.

“Hindi pwede ‘yung narinig lang na ganito, sinabi na ganito na ganito ang kilo. Iba kasi ang kayo mismo ang nandoon para ramdam ninyo talaga,” aniya pa.

Matatandaang ibinahagi ni Neri sa social media ang ginawa niyang menu na nagkakahalaga ng P1,000 a week. Kasama na rito ang breakfast, lunch at  dinner.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ang caption ni Neri sa kanyang post, “Eto na ang Neri’s (sample) Weekly Meal Plan. Para sa mga nanay na mamamalengke bukas pagkatapos ihatid ang mga bata sa school, eto na, pakiprint na po eto, kumpleto pati palengke list.

“Nagtry akong magbudget ng P1,000 for a week. Kung may sukli pa yan, pwede pangdagdag merienda o baon ng mga bata,” aniya pa.

Karamihan sa mga comments ng netizens ay inireklamo ang suggested budget ni Neri at nagkakaisa sila sa pagsasabing hindi ito kapani-paniwala sa panahon ngayon dahil sa taas ng presyo ng mga bilihin.

“Ang unrealistic naman to, manok at baboy pa lang magkano. Ilang serving ba tong meal plan for you to have a leftover?”

“Saang palengke to? Pakilabas din ang costing per serving. Hahaha!”

“This is the malungkot and deprived Neri’s meal plan lols! Kahit anong tumbling ko, hindi uubra ang 1k challenge for a week!”

“Talaga ba? Kung ganyan lang pala kamura ang mga ingredients eh di parang overpriced pala ang mga pagkain sa amare. Eh yung omelette nyo nga dun 410 na.”

Ano nga ba ang mga pwede at hindi pwedeng gawin sa bagong P1,000 polymer banknote?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ogie Diaz sa bagong P1,000 polymer banknote: So ano ito? Mag-a-adjust kami sa pera?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending