Ogie Diaz sa bagong P1,000 polymer banknote: So ano ito? Mag-a-adjust kami sa pera?
NAGLABAS ng saloobin ang komedyante at talent manager na si Ogie Diaz ukol sa bagong labas na P1,000 polymer banknote.
Sa kanyang YouTube channel na “Showbiz Update” ay nabanggit niya na medyo hassle ang pagkakaroon ng bagong pera nang magkausap sila nina Mama Loi at Mrena.
Biro sa kanya ni Mama Loi, akala daw nila ay ipapang-prize ni Ogie sa kanila ni Mrena ang hawak na bagong pera ng talent manager.
“Pag prinize ko sayo, bawal tupiin, bawal malukot, bawal i-staple, bawal punitin…” saad ng talent manager.
Banat naman ni Mama Loi, “Baka pati hawakan, bawal hawakan a?”
Balik naman ni Ogie, “”E’di na ano din ako, nag fine ako ng 20,000 plus 5 years sa kulong… yun ang parusa… Hindi ko tuloy maitupi jusko. So ano ito? Mag a-adjust kami sa pera?”
Aniya, wala raw karapatan ang madlang pipol na magkaroon ng bagong pera kung ipapasok lamang ito sa coin purse dahil malulukot lang ito.
Nagsimulang mag-trending ang P1,000 polymer banknote nang mag-viral ang post ng isang netizen patungkol sa hindi pagtanggal ng isang mall sa kanyang bagong polymer banknote dahil raw nakatupi ito.
Mga echosera nga ba sila? https://t.co/rM4HF0CQeI
— ogie diaz (@ogiediaz) July 12, 2022
Sa ngayon ay wala na ang naturang post ngunit nag-iwan ito ng mga katanungan at reklamo mula sa madlang pipol dahil marami ang nag-aalala sa maaaring mangyari kapag hindi naingatan ang bagong pera.
Dahil nga rito ay naglabas ng guidelines ang Bangko Sentral ng Pilipinas sa mga dapat at hindi dapat gawin sa bagong polymer banknote na napag-usapan rin nila Ogie sa kanilang vlog.
“Nakakaloka naman. Problema mo na nga paano ka magkakaroon ng ganito (pera) tapos problema mo pa pag hawak mo na siya,” chika ni Mama Loi.
“Oh di ba? Ang laki ng problema natin sa P1,000. Bakit ba natin ito napag-usapan… Nakakaloka,” sambit naman ni Ogie.
“Sa old money na lang ako. Pag ganiyan, iiwasan ko na lang yan,” sey ni Mama Loi.
Related Chika:
Ano nga ba ang mga pwede at hindi pwedeng gawin sa bagong P1,000 polymer banknote?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.