Neri mamimigay ng ‘vegetables seeds’, P1k budget

Neri Miranda mamimigay ng ‘vegetables seeds’, P1k budget matapos ma-bash: Maraming paraan sa taong madiskarte!

Pauline del Rosario - September 16, 2023 - 10:30 AM

Neri Miranda mamimigay ng ‘vegetables seeds’, P1k budget matapos ma-bash: Maraming paraan sa taong madiskarte!

PHOTO: Facebook/Neri Miranda

MATAPOS okrayin ng maraming netizens dahil sa P1,000 weekly meal plan, mamimigay ng libreng “vegetable seeds” ang dating aktres at negosyante na si Neri Miranda.

Sa Facebook, inanunsyo ni Neri na padadalhan niya ng mga punla ang ilang followers na magko-comment sa kanyang post.

Iginiit din niya na kahit maliit lamang ang lugar sa bahay ay posible pa ring magtanim kahit sa paso o kahit anong lalagyan lamang.

“Ang dami kong vegetable seeds! Sinong may gusto? Kahit walang bakuran, pwede magtanim sa paso,” caption niya sa FB.

Sey niya, “Dali, mamimigay ako ng mga seeds! Para mabawasan ang stress ng mga nagba-budget sa bahay.”

“Kung pwede rin sana mga eggs namin sa farm kaso baka mabasag pagdating sa inyo eh,” dagdag pa niya.

Ani pa niya, “Sharing is caring. Sharing good vibes at sharing blessings…Maraming paraan sa mga taong madiskarte.”

Baka Bet Mo: Chito Miranda dinepensahan si Neri laban sa bashers ng kanyang ‘weekly meal plan’: What a cruel, cruel world

Sa comment section, makikita na umabot agad sa halos 5,000 ang mga nag-comment sa nasabing post.

Dahil diyan, nagulat si Neri at dinagdagan ang pagpapasaya sa madlang pipol dahil mamimigay na rin daw siya ng pang-palengke na worth P1,000.

“Mamigay na rin ba tayo ng pamalengke? [happy face emoji] 1k budget sino po ang may need?” sey niya.

Lahad pa niya, “Para hindi na mahirapan pa sa pagba-budget [red heart emoji] eto hindi unahan, pinakalahuli naman ang bibilangin natin para sa mga late nakabasa.”

Kamakailan lang, maraming netizens ang bumanat sa ibinahaging weekly plan ni Neri na ayon sa maraming netizens ay hindi makatotohanan at “unrealistic.”

Pero pumalag naman diyan ang wais na misis at iginiit niya na “sample” lang naman ang kanyang ibinigay upang magkaroon ng ideya kung paano makakatipid sa pagkain.

Ipinaliwanag din niya na kaya umabot lang ng P1,000 ang budget ay dahil may alaga siyang manok kaya libre lang niya nakukuha ang mga itlog.

Nabanggit din niya na mahilig din siya magtanim kaya hindi na rin niya kailangang bumili ng mga gulay at prutas.

Humingi na rin ng sorry si Neri dahil marami nga ang nabigla sa kanyang “sample” at ipinangako na maglalagay na siya ng mas detalyeng meal plan kung saan makikita na ang presyo sa bawat ingredients.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ano nga ba ang mga pwede at hindi pwedeng gawin sa bagong P1,000 polymer banknote?

Neri Miranda pumalag matapos okrayin ang weekly meal plan: ‘Binigyan na nga kayo ng sample at idea…’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending