Neri Miranda pumalag matapos okrayin ang weekly meal plan: ‘Binigyan na nga kayo ng sample at idea…’ | Bandera

Neri Miranda pumalag matapos okrayin ang weekly meal plan: ‘Binigyan na nga kayo ng sample at idea…’

Pauline del Rosario - September 15, 2023 - 08:41 AM

Neri Miranda pumalag sa bashers ng P1k weekly meal plan: ‘Binigyan na nga kayo ng sample at idea…’

PHOTO: Facebook/Neri Miranda

HINDI na napigilang sumagot ng dating aktres at binansagang wais na misis na si Neri Miranda.

Ito ay matapos banatan sa social media ang ibinandera niyang weekly meal menu na maaari raw gawin at ihanda ng mga mommy para sa kanilang mga pamilya, partikular na sa mga nag-aaral nilang mga anak.

Mababasa sa comments section ang reklamo ng maraming netizens na sinasabing hindi ito kapani-paniwala sa panahon ngayon dahil sa taas ng presyo ng mga bilihin.

Burado na ang nasabing post ni Neri, pero nakuha namin ang screenshot ng kanyang naging depensa sa ginawang meal plan na worth P1,000.

Iginiit ni Neri na “sample” lang naman ang kanyang ibinigay upang magkaroon ng ideya kung paano makakatipid sa pagkain.

Baka Bet Mo: Melai sa bashers: ‘Hindi ako papayag na kung anu-ano sasabihin n’yo sa mga anak ko…kilala ko sila, madasalin ang mga yan’

Ipinaliwanag din niya na kaya umabot lang ng P1,000 ang budget ay dahil may alaga siyang manok kaya libre lang niya nakukuha ang mga itlog.

Nabanggit din niya na mahilig din siya magtanim kaya hindi na rin niya kailangang bumili ng mga gulay at prutas.

“P.S. kayo talaga, kayo na nga binigyan ng ‘sample’ at ideal meal plan, ‘yung mga ‘di followers, makapag-bash lang,” sey niya sa kanyang viral post. 

Patuloy niya, “Sa mga followers ko na alam na palagi kong sinasabi na MATUTONG MAGTANIM SA BAKURAN O SA PASO PARA MAKATIPID SA INGREDIENTS. AT KUNG KAYA PANG MAG-ALAGA NG MANOK PARA PALAGING MAY FRESH EGGS SA BAHAY. MALAKING TIPID PO ‘YUN. DUN NIYO KUNIN ANG INGREDIENTS.”

“DEPENDE RIN PO KUNG GAANO KAYO KARAMI. MAIIBA SIYEMPRE ANG BUDGET NIYO. KUNG 1-3 KATAO PER HOUSE AT KATAMTAMAN LANG ANG KAIN, KAYA ‘YAN,” paliwanag pa niya.

Dagdag niya, “KAILANGAN TALAGA MAY EXPLANATION AT DISCLAIMER AFTER [laughing emoji] MARAMING PARAAN PARA MAKATIPID, UMPISAHAN NA PARA MAGING WAIS SA BAHAY. MASAYA ‘YUN!”

Humingi na rin ng sorry si Neri dahil marami nga ang nabigla sa kanyang “sample” at ipinangako na maglalagay na siya ng mas detalyeng meal plan kung saan makikita na ang presyo sa bawat ingredients.

“Madaling araw na po kasi ‘nung na-post ko ‘to. Anyway, pasensya na po. Next time ilagay ko po lahat ng details at how much,” saad niya.

Nakita rin namin na pinalagan ni Neri ang isang basher na nagsabing, “Rich people making a content about the situation of the poor.”

Ayon sa dating aktres at negosyante, nanggaling rin siya noon sa hirap kaya mas nakaka-relate siya kung paano makatipid.

“Galing ako sa hirap kaya alam ko maging madiskarte. Paano? Matutong magtanim sa bakuran, mag-alaga ng mga hayop na pwedeng pagkunan ng pagkain,” saad niya.

Dagdag pa niya, “Nagawa ko na ‘yan dati at ‘nung bata ako, nagagawa ko pa rin hanggang ngayon na magtipid kahit may extra na ako.”

Hindi rin pinalagpas ni Neri na basagin ang basher, “‘Di ko alam if you’re following me before pa or napadaan ka lang just to comment.”

“Pwede ko rin sabihin sa comment mo na, younger generations talaga trying to look cool with their comment without even knowing everything. You’ll just comment, right?” aniya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:

Neri Miranda gumawa ng weekly meal menu para mapadali ang buhay ng mga nanay, pero sey ng netizen: ‘Para lang yan sa mapepera’

Suzette Doctolero, Joseph Morong nilinaw ang mga kumakalat na fake news ukol sa GMA Gala 2023: ‘Seat number hindi meal stub’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending