Neri tinalakan ng netizens sa ginawang weekly meal menu: ‘Unrealistic! Manok at baboy pa lang magkano na, tapos ang kamatis P20 isa!’
BINABANATAN ngayon nang bonggang-bongga ang aktres at matagumpay na negosyanteng si Neri Miranda dahil sa ibinigay na tips sa mga kapwa niya nanay.
Hindi nagustuhan ng mga netizens ang ibinahagi niyang weekly meal menu na maaari raw gawin at ihanda ng mga mommy para sa kanilang mga pamilya, partikular na sa mga nag-aaral nilang mga anak.
Sa kanyang Instagram at Facebook page, nagbahagi ang asawa ni Chito Miranda ng ginawa niyang menu na nagkakahalaga ng P1,000 a week. Kasama na rito ang breakfast, lunch at dinner.
Ang caption ni Neri sa kanyang post, “Eto na ang Neri’s (sample) Weekly Meal Plan.
“Para sa mga nanay na mamamalengke bukas pagkatapos ihatid ang mga bata sa school, eto na, pakiprint na po eto, kumpleto pati palengke list.
“Nagtry akong magbudget ng P1,000 for a week. Kung may sukli pa yan, pwede pangdagdag merienda o baon ng mga bata,” aniya pa.
Karamihan sa mga comments ng netizens ay inireklamo ang suggested budget ni Neri at nagkakaisa sila sa pagsasabing hindi ito kapani-paniwala sa panahon ngayon dahil sa taas ng presyo ng mga bilihin.
“Ang unrealistic naman to, manok at baboy pa lang magkano. Ilang serving ba tong meal plan for you to have a leftover?”
“Saang palengke to? Pakilabas din ang costing per serving. Hahaha!”
“This is the malungkot and deprived Neri’s meal plan lols! Kahit anong tumbling ko, hindi uubra ang 1k challenge for a week!”
“Talaga ba? Kung ganyan lang pala kamura ang mga ingredients eh di parang overpriced pala ang mga pagkain sa amare. Eh yung omelette nyo nga dun 410 na.”
“This is so out of touch sa reality. Basahin m comments sa fb post m about this. And yes, hndi makatotohanan to. Eat for 1 week without dinner? Buti kng may matira.”
“Napaka Impossible po yan sa mahal ng bilihin ngayon ang kamatis pa lang mahal na.”
“Kahit wag mo na sama dinner kulang pa rin yan Neri. Masabi lang na wais at maka attract lang ng atensyon kahit napaka unrealistic. Tricycle o Jeep pa lang na isang linggo Neri halos P100 na mauubos mo. Bagong planeta ka ba namamalengke Neri. Ung tipong pausabong pa lang ang mga dinosaur???”
“Isang pirasong kamatis ngayon 20 pesos na. Saang palengke po kayo namimili at mura yata don?”
“Saang Pilipinas ka nakatira Neri? Very unrealistic naman yang 1k mo.”
“Hindi makatotohanan. Pag namamalengke ako for one week, 3 lang kami, mag-asawa at 1 kid, nauubos yung 1,500 ko pero kulang na kulang pa rin. Partida tipid na tipid pa yun.”
“Sa chicken at pork pa lang kulang na 1k mo hahaha. Next time alamin mo muna magkano presyo bago ka magpost tehhhh. 10 pesos na ang egg ngayon te. Halatang di ka namamalengke.
“Palengke reveal naman diyan!!! Yung kasya 1k, 1 week with sukli pa ah.”
“Nag-iinit yung mata ko nung sinabing 1k ang budget sa isang linggo? Ay wait nananaginip ka po ata. Gising po 2023 na, wala na pong kamatis na tumpok 10 pesos. 5 pesos na ang isa, malaki pa ang hinlalaki mo.”
“Unrealistic. Wala ako sa pinas pero grabe sa 1k one week. Kahit pang isang tao di kaya. Budget ng kapatid ko sa isang linggo 2k estudyante pa yun.”
“Sabay sabay daw tyong managinip ng gising sa 1k weekly plan niya kasi sa wais na misis lahat ng imposible ay posible. Kami nga ng anak ko dalawa lang sa bahay, d nmn maluho sa pagkain isang ulam sa isang raw buong maghapon na tipid na tipid pa sa rekados, minsan nga mauuwe na lang sa processed food para makatipid pero ang 1k tumatagal lang ng halos 3 days. Mema nalang tlaga kahit d na makatotohanan. chaaarot!”
Related Chika:
‘PBB’ housemates TJ Valderrama, Karen Bordador nagkomprontahan, nagsagutan
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.