Dominic Ochoa sa sikretong relasyon daw nina Rico Yan at Sabrina M: 'Walang ganu'n' | Bandera

Dominic Ochoa sa sikretong relasyon daw nina Rico Yan at Sabrina M: ‘Walang ganu’n’

Reggee Bonoan |September 24,2023
facebook
share this

Dominic Ochoa sa sikretong relasyon daw nina Rico Yan at Sabrina M: ‘Walang ganu’n’

Reggee Bonoan - September 24, 2023 - 05:03 PM

“DO THE math na lang.” Ito ang sagot ni Dominic Ochoa nang tanungin namin tungkol sa pinalutang na isyung may “lihim” na relasyon sina Sabrina M at ang namayapang aktor na si Rico Yan.

“May lakad kami dapat ng March 5 nina Rico at Marvin (Agustin), e, sabi ni Rico hindi siya makakasama kasi anniversary nila ni Claudine (Barretto), ise-celebrate nila.

“But it turned out, maghihiwalay pala sila, then March 29 namatay na, so saan papasok ‘yun (relasyon nila ni Sabrina)?” balik-tanong ni Dom sa amin.

Binanggit namin na nakakasama raw ng Whattamen boys (Rico, Marvin at Dominic) sina Sabrina at ang mga friends din nitong sexy stars at nag-guest pa sa shows nila out of town.

“Marami namang naggi-guest sa show namin, hindi lang sila pero walang ganu’n. Nag-usap nga kami nina Tita (Mrs. Teresita Castro-Yan) at Bobby (kuya ni Corics) na patahimikin na, kaya nagbigay ng statement then tapos na,” kuwento ng aktor sa amin.

Baka Bet Mo: Dominic Ochoa inokray ng Kapuso fan page dahil sa natanggap na Kapamilya loyalty award, netizens to the rescue

First time kasing matanong si Dominic tungkol dito dahil kung mayroon man siyang nadaluhang presscon o events ay hindi naman siya natatanong kaya nagpasalamat kami dahil nagpaunlak naman siya sa amin.

Pero nagsabi nga na ‘wag na naming pahabain pa dahil wala na ang taong involved sa isyu.

Anyway, sa unang pagkakataon ay magpapakita ng skin si Dominic sa pelikulang “Fruitcake” na idinirek ni Joel Ferrer na siya ring sumulat ng script kasama si direk Miko Livelo.

Sa tinagal-tagal niya sa showbiz ay napapayag siya kaya natatawa rin siya sa karakter niya bilang si Senador Sammy Esteban dahil may karelasyon siya rito at nagkaroon pa ng intimate scene.

“I portrayed…bilang pinakamatanda sa movie na ito, Senator Sam and the usual meron akong karelasyon and when direk Ferrer told me about my character it was kinda like a movie that I did noong 2002, na parang nangyari sa isa o dalawang araw na magkakakilala kaming lahat.

“It was something at the end of the day nagkapatawaran, parang buhay natin (realidad) na hindi natin alam na magkakakilala pala tayo at may kuneksyon tayo,” esplika ni Dom sa mediacon ng “Fruitcake.”

Sa kasalukuyan ay may project si Dom sa Kapuso network, ang Abot-Kamay Na Pangarap” at isang taon na raw siya sa nasabing TV network pero nananatili pa rin siyang Kapamilya.

Ang “Fruitcake” ay isinumite sa 2023 Metro Manila Film Festival for finished films at hoping ang Cornerstone Studios at Create Cinema na mapili ang barkada movie na ito.

Bukod kay Dominic ay may kanya-kanyang highlight sa pelikula ang iba pang cast tulad nina Joshua Garcia (Cardo), Heaven Peralejo (Diane), Karina Bautista (Stacy), Queenay (Vicky), Alex Diaz (Chad), Marcus Paterson (Dax), KD Estrada (Jolo), Macoy Dubs (Jay), Jane Oneiza (Freya), Donna Cariaga (Sonia), Victor Anastacio (Ospret), Noel Comia, Jr (Jagson), Ria Atayde Jenny), Empoy Marquez (Poch), Kat Galang (Sari) at Enchong Dee (Diego).

Hindi naman nakarating sa ginanap na mediacon sina Enchong, Kat, Heaven, Marcus, Donna, at Alex na ginanap sa KAO Manila, Newport Mall, Newport World Resorts nitong Sabado, Setyembre 23.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dominic Ochoa feel na feel ang pagiging Kapuso: Yung pag-welcome nila ramdam na ramdam ko agad

Sabrina M puro ‘fake news’ daw ang pinagsasabi tungkol sa love story nila ni Rico Yan; Claudine magdedemanda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending