Dominic Ochoa feel na feel ang pagiging Kapuso: Yung pag-welcome nila ramdam na ramdam ko agad | Bandera

Dominic Ochoa feel na feel ang pagiging Kapuso: Yung pag-welcome nila ramdam na ramdam ko agad

Ervin Santiago - September 06, 2022 - 07:41 AM

Dominic Ochoa feel na feel ang pagiging Kapuso

Dominic Ochoa

RAMDAM na ramdam ng dating Kapamilya actor na si Dominic Ochoa ang napakainit na pagtanggap sa kanya ng mga taga-Kapuso network.

Makalipas nga ang halos dalawang dekada, muling mapapanood si Dominic sa GMA 7 sa pamamagitan ng pinakabahong Kapuso series na “Abot-Kamay Na Pangarap.”

Ito ang kapalit ng nagtapos na “Apoy Sa Langit” sa Afternoon Prime ng GMA na pinagbibidahan nina Carmina Villarroel, Richard Yap at Jillian Ward.

Ayon sa aktor, talagang hindi niya nahindian ang offer ng Kapuso Network dahil bukod sa napakaganda na ng tema at istorya ng “Abot-Kamay Na Pangarap” gusto rin niyang makatrabaho ang mga taga-GMA.

Sa naganap na virtual mediacon ng nasabing serye, nagkuwento si Dominic tungkol sa pagbabalik niya bilang Kapuso.

View this post on Instagram

A post shared by DOM (@domochoa)


“Masaya, steady lang tayo rito, palaging nakangiti ang mga tao. ‘Yung pag-welcome ramdam na ramdam ko agad. From the staff, crew, the artists as well.

“So, nakakaengganyo magtrabaho. Siyempre, noong una, panibagong bakod to, e, but I felt really welcomed. Na-welcome talaga ako nang maigi, lalo nu’ng unang araw ko pa lang,” aniya pa.

Hinding-hindi rin daw niya makakalimutan ang naging experience niya sa lock-in taping ng kanilang drama series dahil talagang naging pamilya na ang turingan nila sa isa’t isa.

“One big happy set, happy family. Malaking bagay kasi ‘yun di ba, kapag magaan ang set, magaan ang trabaho,” sabi ni Dominic.

Nauna nang ibinahagi ni Dominic sa isang panayam na isa pa sa naging dahilan para tanggapin niya ang “Abot-Kamay Na Pangarap” ay gusto niya uling makatrabaho si Carmina.

Napapanood ang “Abot Kamay Na Pangarap” pagkatapos ng “Eat Bulaga” kung saan ka-join din sina Andre Paras, Pinky Amador Chuckie Dreyfus, Sophie Albert, John Vic de Guzman, Wilma Doesnt at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/316691/dominic-ochoa-magiging-kapuso-na-makakasama-sina-carmina-at-richard-sa-bagong-serye-ng-gma
https://bandera.inquirer.net/281388/dominic-ochoa-sa-mga-pagsubok-iniluhod-ko-yan-sa-diyos-iniyakan-ko-yan-sa-harap-ng-simbahan
https://bandera.inquirer.net/281877/miguel-tanfelix-sa-pagiging-leader-ng-voltes-v-sobrang-nape-pressure-ako
https://bandera.inquirer.net/288956/sanya-inintriga-ng-ina-kay-gabby-ang-tanong-niya-sa-akin-kayo-na-ba-sabi-ko-ma-wait-lang-ma

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending