Dominic Ochoa inokray ng Kapuso fan page dahil sa natanggap na Kapamilya loyalty award, netizens to the rescue | Bandera

Dominic Ochoa inokray ng Kapuso fan page dahil sa natanggap na Kapamilya loyalty award, netizens to the rescue

Therese Arceo |December 08,2022
facebook
share this

Dominic Ochoa inokray ng Kapuso fan page dahil sa natanggap na Kapamilya loyalty award, netizens to the rescue

Therese Arceo - December 08, 2022 - 12:57 PM

Dominic Ochoa inokray ng Kapuso fan page dahil sa natanggap na Kapamilya loyalty award, netizens to the rescue
TILA kinukwestiyon ng isang Kapuso fan page ang Star Magic artist na si Dominic Ochoa matapos itong tumanggap ng loyalty award mula sa ABS-CBN.

Matatandaang noong November 27 nang maganap ang Star Magical Christmas ng Kapamilya network para sa mga dati at bagong artista ng talent-arm management ng ABS-CBN.

Isa nga si Dominic sa mga artistang pinagkalooban ng loyalty award dahil 25 years na ito sa pagiging Kapamilya at sa pagiging Star Magic artist.

Labis nga ang pasasalamat ng aktor sa kanyang home network dahil hindi siya nito pinabayaan at maraming proyekto ang ipinagkaloob nito sa kanya.

“I told myself, ‘Hangga’t nandito ang Star Magic, I would still be here.’ I started as a Kapamilya, I will end as a Kapamilya,” lahad ni Dominic.

Nabanggit rin niya ang “pagpapahiram” sa kanya ng ABS-CBN sa GMA 7 para sa teleseryeng “Abot Kamay ang Pangarap” kasama sina Jillian Ward, Carmina Villarroel, Richard Yap, at marami pang iba.

“I know I have a show [on GMA] They (GMA 7) borrowed [me], they (ABS-CBN) allowed [me]. I’m thankful. But I’ll always be a Kapamilya,” sey pa ni Dominic.

Kasabay naman ng kanyang Kapuso afternoon series ay mapapanood rin siya sa iWanTFC series na “Hoy Love You!” season 3 kung saan kasama niya sina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by DOM (@domochoa)

At isang Kapuso fan page nga ang nag-react sa maging pagtanggap ng aktor sa loyalty award mula sa kanyang home network.

“Proud Star Margarine daw si Dominic Ochoa! Pakiwalis nga ‘yan at pabalik sa kaniyang bakuran, ang daming puwedeng freelance artist ang magaling at ipagpalit sa kaniya tapos nagsalita pa siya eeewwssss,” ayon sa caption ng Facebook post ng Kapuso Alliance Fanpage kalakip ang larawan ng aktor.

Marami naman sa mga netizens ang nag-react sa naturang post ng fan account ng GMA Network.

“Ang bitter naman ng admin. Walang masama i-acknowledge ang kaniyang home studio. Saka kinuha siya magwork sa GMA dahil magaling siya,” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “Anong masama dun kung proud star magic at kapamilya nmn tlga si Dominic, Ang bait nga ng abs CBN dahil Wala clang franchise kailangan ng artist nla ng trabaho pinapayagan nila.”

“Uso naman po hiraman… pumunta lang siya sa bakod ng GMA dahil nga hiniram… si Sexbomb Rochelle Pangilinan nga eh kinikilig parking pa lang ng ABS-CBN bakit wala ka kuda?” banat naman ng isa.

Hirit pa ng isa, “Walang masama sa sinabi niya. Totoo naman. Saka alam ko before, puwede nang pahiramin ang mga Star Magic artist lalo na noong nawalan sila ng prangkisa.”

Samantala, wala namang pahayag o komento si Dominic patungkol sa post ng Facebook fan page.

Related Chika:
Dominic Ochoa magiging Kapuso na; makakasama sina Carmina at Richard sa bagong serye ng GMA

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dominic Ochoa sa mga pagsubok: Iniluhod ko yan sa Diyos, iniyakan ko yan sa harap ng simbahan…

Dominic Ochoa feel na feel ang pagiging Kapuso: Yung pag-welcome nila ramdam na ramdam ko agad

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending