Dominic Ochoa sa mga pagsubok: Iniluhod ko yan sa Diyos, iniyakan ko yan sa harap ng simbahan…
“WE’RE here to entertain people but we’re being used by the Lord also,” ang pahayag ni Dominic Ochoa patungkol sa inspirational serye ng ABS-CBN na “Huwag Kang Mangamba.”
Naniniwala ang Kapamilya actor na isa lamang siya sa ginagamit ng Diyos para ibandera sa buong mundo na sa kabila ng mga pagsubok na hinaharap ng mga Filipino, may maganda at positibo pa ring nangyayari sa ating bansa.
In fairness, punumpuno naman talaga ng aral at inspirasyon ang “Huwag Kang Mangamba” kaya swak na swak sa panahon ngayon ng pandemya, lalo pa’t marami pa rin ang mga taong tila nawawalan na ng pag-asa na babalik pa sa normal ang lahat.
Napapanood ang makabuluhang seryeng ito sa Kapamilya channel, Kapamilya Online Live sa Facebook, TV5, iWantTFC at TFC.
Ayon kay Dominic, “Nawalan tayo ng istasyon, kinuha sa atin. Maraming nawalan ng trabaho pero dasal lang. And I’m very thankful that I’m seeing na yung mga IG nila, yung mga post nila, every morning I see mga prayers.
“Unti-unti tayong nag-hi-heal, unti-unti tayong dinadala. Yan yung rason kung bakit tayo nagkaroon ng show na ‘to, itong Huwag Kang Mangamba.
“Binabalik natin at pinapaalala natin sa ating mga manunuod, not just to entertain but to remind them maybe we should stop and sit down and pray,” pahayag pa ng aktor.
Feeling blessed and thankful naman ang aktor dahil halos lahat ng inspirational series ng ABS-CBN ay kasama siya, mula sa “May Bukas Pa”, “100 Days to Heaven” at ito ngang “Huwag Kang Mangamba.”
“Natataon na ginawa ng ABS-CBN ito and I’m very thankful na medyo sensitive ang ABS at ang Dreamscape sa paggawa at pagbuo ng ganitong istorya.
“It’s basically inspiring people to seek the Lord, seek His grace. Marami kasing pangyayari. Maraming bagay ang nangyari sa atin. Iba iba ang nangyari sa atin, iba iba ang sitwasyon natin, maaaring mababaw, maaaring malalim.
“I got into an accident, I lost a show last year, and then nagkaroon ng pandemic. Parang ang daming pumapasok sa utak mo tapos may (ABS-CBN) shutdown pa tayo. But alam mo, lahat yan ipinagdasal ko and at the end of the day, iniluhod ko yan sa Diyos, iniyakan ko yan sa harap ng simbahan.
“I don’t want to sound preachy but I guess this is my role in life. We’re here to entertain people but we’re here also para ilapit din, we’re being used by the Lord also,” lahad pa ng aktor.
Puring-puri naman ni Dominic ang younger cast ng serye, lalo na ang Gold Squad members na sina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Kyle Echarri at Seth Fedelin.
“Ang kaibahan nito, teenagers naman ang sasakupin natin. Maraming millennial, maraming dapat natin intindihin, maraming dapat din ilapit sa Diyos. Sa dami ng nangyayari sa atin, sa kabisihan ng tao mag-TikTok, I guess there’s a lot of questions na bumabagabag sa mga bata ngayon pati sa nakakatanda sa nangyayari ngayon.
“So I guess natataon itong pagbuo ng story nitong Huwag Kang Mangamba sa mundo, na huwag tayong matakot. Hindi tayo nag-iisa dahil nandiyan si Bro. Hindi po tayo iniwanan. So that’s basically it. Let’s all learn. Sit down.
“Masyadong busy ang mundo ngayon. Kahit ano mang trabaho natin, iba-iba ang sitwasyon natin, marami tayong problema, magkakaiba lang ang sitwasyon. Siguro kailangan lang natin umupo at mag-isip at magdasal at humingi ng tawad maybe or lumapit sa Diyos dahil nandidiyan siya para pakinggan tayo,” paalala pa ni Dominic Ochoa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.