EXCLUSIVE: Dominic Ochoa nanawagan para isalba ang kalikasan

EXCLUSIVE: Dominic Ochoa nanawagan para isalba ang kalikasan

Therese Arceo - June 12, 2024 - 07:14 PM

EXCLUSIVE: Dominic Ochoa nanawagan para isalba ang kalikasan

MULING nagpaalala ang aktor na si Dominic Ochoa patungkol sa obligasyon natin na pangalagaan ang mundong ating ginagalawalan.

Sa eksklusibong panayam ng BANDERA sa aktor sa nagdaang advance screening ng “A Thousand Forests” inilahad niya kung gaano kahalaga ang pagkilos upang labanan ang mas lumalalang climate change na hindi lang nararanasan sa Pilipinas kundi pati na rin sa iba pang sulok ng mundo.

“Ito’y kumbaga inaalay ng lahat ng mga nakatrabaho ni Miss Gina Lopez at kanyang mga adhikain at kanyang advocacy to take care of our nature,” kwento ni Dominic.

Aniya, aware siya na marahil ay hindi ito agad ma-appreciate ng iba pero malalim ang mensahe na nais iparating ng pelikula.

Baka Bet Mo: Dominic Ochoa sa mga kabataang artista, huwag magyabang: ‘Once pumasok sa ulo n’yo ‘yun, ‘yun ang kakain sa inyo nang buhay’

“Natataon sa panahon ngayon itong nagawa naming pelikula. It sounds medyo boring to other people especially to other producers and if you think about it sa mga ibang sinehan it can be sad to say maaring hindi tanggapin pero kung iisipin natin ang pakay ng pelikula na maipararating natin sa mga kabataan, malalim ang pelikula,” sabi pa ni Dominic.

Ibinahagi rin ng aktor ang isang law sa Pilipinas patungkol sa obligasyon nating mga Pilipino para pangalagaan ang pelikula.

Lahad ni Dominic, “We have a law, it’s called the Arbor Day Act of 2012, also known as Republic Act 10176.”

Ito ay naglalayon na i-authorize ang mga local government units na magkaroon ng annual event para sa tree planting bilang selebrasyon ng Arbor Day.

Dagdag ni Dominic, “Alam ba natin ‘yan? Hindi. Ang ginagawa pa nga natin pinuputol pa natin ang puno, papalitan natin ng kung anong gusto natin.”

Kabilang ang aktor sa cast ng advocacy film tungkol sa kalikasan na “A Thousand Forests” kasama sina Santino Juan Santiago, Ramjean Entera, Dennah Bautista, James Mavie Estrella at Venice Bismonte at Chai Fonacier.

“Napaka-God’s timing ng pelikula. Itong mensahe ng pelikulang ito ay to save the forests dahil ito ang magsasalba sa atin sa mga sakuna o mga bagyo,” bahagi pa ni Dominic.

Pagpapatuloy niya, “It’s happening not just in the Philippines but in the whole world.”

Nabanggit rin ni Dominic sa interview bilang halimbawa sa epekto ng hindi natin pagkilos sa pangangalaga sa kalikasan ang nangyaring matinding baha kamakailan sa Dubai.

“Sana each one of us will realize that we have to do our part. Sometimes we got tired of doing our part because we see other people not doing theirs. So it’s time to do our part,” sey ng aktor.

Ang naturang pelikula ay produced by I.Syoot Multimedia Productions in partnership with University of the Philippines Los Baños College of Forestry.

Ang pelikulang ito ay tribute sa namayapang dating Department of Environment and Natural Resources Secretary Gina Lopez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Gagampanan niya ang karakter bilang si Sir Bani na isang forester at isa sa mga facilitator ng Forest Camp na naging inspirasyon ng limang batang bida sa kanilang journey patungo sa pag-appreciate at pag-aalaga sa kalikasan.

Ano pang hinihintay n’yo, manood na ng “A Thousand Forests” na ipalalabas ngayong June 26 sa piling mga sinehan sa bansa.

Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang social media pages ng “A Thousand Forests” sa Facebook, Instagram, TikTok, at X pati na rin sa kanilang website na athousandforests.org.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending