Dominic Ochoa magiging Kapuso na; makakasama sina Carmina at Richard sa bagong serye ng GMA
KAPUSO na rin ang kilalang ABS-CBN talent na si Dominic Ochoa.
Yes, makalipas nga ang mahigit 20 taon ng pagiging Kapamilya, mapapanood na rin sa GMA 7 si Dominic.
Isa siya sa magiging cast members para sa upcoming Kapuso teleserye na “Abot Kamay Na Pangarap.”
Sa ulat ng “24 Oras” kagabi, June 22, kumpiramado ngang lilipat ang magaling na aktor sa GMA at makakasama nga sa bagong drama series ng network na mapapanood na very soon.
Ito’y pagbibidahan din nina Carmina Villarroel, Richard Yap, Jillian Ward, at Andre Paras.
Kung hindi kami nagkakamali, ang seryeng “Abot Kamay Na Pangarap” ang magsisilbing reunion project nina Dominic at Carmina at ang kauna-unahang proyektong pagsasamahan nila sa GMA 7.
Una silang nagkatrabaho sa afternoon series ng ABS-CBN na “May Isang Pangarap” noong 2013 at sinundan ng pelikulang “Four Sisters Before The Wedding” na ipinalabas noong 2020.
Kung matatandaan, isa ang seryeng “Abot Kamay Na Pangarap” sa mga nakalinyang teleserye na nakatakdang gawin ng Kapuso network ngayong 2022.
View this post on Instagram
Tungkol ito sa isang mahirap na dalaga na may inang mangmang dahil hindi nakapag-aral at kung paano niya aabutin ang kanyang mga pangarap para sa sarili at sa pamilya.
Halos 25 years nagtrabaho si Dominic sa ABS-CBN at bilang bahagi ng Star Magic. Pero knows n’yo ba na ang unang teleseryeng nilabasan niya ay napanood sa GMA?
Ito ay sa youth-oriented TV show na “T.G.I.S.” kung saan nag-guest siya sa isang episode.
Pagkatapos nito ay naging regular na siya sa kalabang programa noon ng “T.G.I.S.” sa ABS-CBN, ang “Gimik.”
Nakapagbida na rin ang aktor sa ilang programa ng Kapamilya network, kabilang na ang fantasy-drama na “My Super D” (2016) at ang educational show na “Doc Ricky Pedia” (2017-2020).
https://bandera.inquirer.net/281388/dominic-ochoa-sa-mga-pagsubok-iniluhod-ko-yan-sa-diyos-iniyakan-ko-yan-sa-harap-ng-simbahan
https://bandera.inquirer.net/290588/daniel-dominic-nagkaproblema-dahil-sa-isa-pang-anak-ni-karla-estrada
https://bandera.inquirer.net/316655/direktor-ng-pinoy-version-ng-start-up-ikinumpara-sa-alak-si-bea-nasaksihan-ang-magic-ni-alden
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.