Resbak ni Carmina sa bashers: Ako matapobre, bilyonarya ba ‘ko!?
WALA nang paki si Carmina Villarroel sa bashers dahil kahit ano naman daw ang gawin niyang paliwanag sa mga isyu ay hindi pa rin siya paniniwalaan ng mga ito.
Patuloy kasing ninenega at binabarag ng mga haters si Carmina dahil daw sa pakikialam sa lovelife ng kambal na anak nila ni Zoren Legaspi na sina Mavy Legaspi at Cassy Legaspi.
Siya rin ang sinisisi ng fans kung bakit napurnada ang relasyon ni Cassy sa singer-actor na si Darren Espanto at sa pagkasira ng love story ni Mavy at ng ex-girlfriend niyang si Kyline Alcantara.
“Kung basher sila, whatever I say, kahit i-defend ko yung sarili ko, they will not listen to me at ayaw na nilang maniwala sa akin.
Baka Bet Mo: Carmina matapobre at epal na ina raw: May gusto lang manira sa ‘kin
“And wala na akong magagawa du’n. You know, I’m not here to please everyone,” paliwanag ni Carmina nang makachikahan ng BANDERA at ilang piling members ng media sa finale presscon ng hit series nila sa GMA 7 na “Abot-Kamay Na Pangarap.”
View this post on Instagram
“Sa mga nakakakilala sa akin, they know me and they will speak for me. Ngayon, kayo ang makakapagsabi, ‘Di ba, hindi naman siya ganyan? Kasi kung ganyan yan, di ba, pag noon pala, ganito-ganito na siya.’
“I mean, truth will always prevail. Alalahanin ninyo yan. It may take years, it may take months, weeks or days, but truth will always prevail.
“At yung kung sino ka talaga, kung anong pagkatao mo, lalabas at lalabas yan, e. And like I said, yung mga taong nakakilala sa yo will speak for you.
“I don’t have to, I don’t have to defend myself. Because, like I said nga, kung basher ka, kahit mag-explain ako sa yo, sarado na yung tenga mo, sarado na yung pag-iisip mo.
“So, this is so sad, kasi ganu’n lang yung tingin nila sa akin,” aniya pa.
Patuloy pa niya, “Again, yung du’n sa nagsasabi na, although luma na naman siya, it’s an old issue na, ‘Pakialamera, ganyan-ganyan.’ No, I’m just being a mother.”
Sey pa ni Mina, wala raw silang problema ni Zoren sa kanilang mga anak at totoo namang napag-uusapan nila ang mga isyu at kontrobersyang kinasasangkutan nila.
“Yung dati lang, because yun yung time na when it all started, napag-usapan namin. Well, this is showbiz life, you know, we know the truth, and yun lang naman ang importante, yun ang lagi ko sinasabi sa kanila.
“‘Basta tayo as a family, we’re intact, nagkakaintindihan tayo, alam natin kung ano yung totoo. ‘Oo, masakit na, kung anu-ano sinasabi sa atin, tinitira tayo na ganito, na ganyan, matapobre.’
“Teka, saan ba nanggaling yung matapobre? Ganu’n ba ako kabilyonaryo para maging matapobre?!” sey pa ng aktres.
View this post on Instagram
Samantala, talagang naiyak si Carmina sa finale presscon ng “Abot-Kamay Na Pangarap” dahil inaatake na siya ng sepanx o separation anxiety.
Paliwanag ni Mina, “Ay, kasi emotional talaga ako, e. Tsaka ano ako, e, emotional, tsaka clannish, yung very sentimental person ako talaga.
“So, pag binigay ko talaga yung sarili ko, ganu’n. It’s so hard to say goodbye. I hate saying goodbye. Kaya ayoko nung mga ganito, especially when you say thank you, di ba?
“Imagine mo naman two years, four times a week. Nag-lock-in pa kami sa Zambales. Ang dami na naming pinagdaanan, alam mo yun?
“Every time mag-i-end yung show, laging, ‘Ay, hindi, may extension na naman.’ So, alam mo yun, it’s a rollercoaster. It’s a rollercoaster of emotions.
“It’s such a great experience na ayaw mo sanang mag-end. Pero siyempre, parang lahat naman may katapusan talaga, di ba? So, yun na lang, e. Wala na akong gagawin. Inaano ko na nga sa sarili ko na…October 19 (finale episode) na lang ako iiyak.
“I mean, hindi ko talaga ini-imagine na maiiyak ako. Pero siguro because of so much gratitude and ang dami kong… nag-o-overflow sa pasasalamat yung puso ko,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.