True ba, EA Guzman at Shaira Diaz nagli-live in na? | Bandera

True ba, EA Guzman at Shaira Diaz nagli-live in na?

Ervin Santiago |September 18,2023
facebook
share this

True ba, EA Guzman at Shaira Diaz nagli-live in na?

Ervin Santiago - September 18, 2023 - 07:00 AM

True ba, EA Guzman at Shaira Diaz nagli-live in na?

Edgar Allan Guzman at Shaira Diaz

TEN years nang magdyowa ang Kapuso couple na sina Edgar Allan Guzman at Shaira Diaz at marami ang nagtatanong kung totoo bang nagli-live in na sila.

May mga Marites kasi ang nagsasabi na baka raw matagal nang nagsasama sa iisang bahay sina EA at Shaira kahit hindi pa sila kasal?

Sa guesting ng dalawang Kapuso stars sa weekly comedy show ng GMA 7 na “The Boobay and Tekla Show”, sumalang si EA sa lie detector challenge kung saan isa nga sa mga naitanong sa kanya ay kung nagli-live in na sila ni Shaira.

“No” ang mabilis na sagot ng aktor at in fairness, “truth” naman ang lumabas sa lie detector test, ibig sabihin nagsasabi ng totoo si EA.

Bago pa nakapagsalita ang binata, humirit agad si Shaira ng, “Baka magkasawaan eh. Ha-hahaha. Pero I think may good side rin naman siya para sa iba, kasi mas nakikilala nila ‘yung partners nila.

“At saka gusto ko ngang makapagtapos muna. Medyo ang dami ko pa talagang priorities bago kami mag-ano (maging mag-asawa),” esplika pa ni Shaira.

Samantala, nabanggit din ni EA na kung magdedesisyon sila ni Shaira na lumagay na sa tahimik, gusto nila ng isang church wedding.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by EA Guzman 🤙🏼 (@ea_guzman)


“Kasi ‘yun ang faith namin. Gusto namin witness si Lord talaga, nasa center. Tsaka nakikita ni Lord, andu’n si Lord sa amin,” pahayag ni EA.

Natanong din sila nina Tekla at Boobay kung ilan ang gusto nilang maging anak in the future, at pareho ang naging sagot nina Shaira at EA, nais nila ng dalawang baby.

Baka Bet Mo: EA Guzman sa relasyon nila ni Shaira Diaz: Ready na ako to settle down pero…

“Gusto lang namin is small family,” ani EA na sinegundahan naman ni Shaira ng, “Babae at lalaki.”

Hiningan din ng mga host ng “TBATS” si Shaira ng mensahe para kay EA, “Gusto ko lang sabihin sa ‘yo Baba (tawagan nila bilang magdyowa) na sa 10 years natin, mas lalo pa kitang minamahal at saka mas lalo pa kitang naa-appreciate sa araw-araw.

“Gusto kong sabihin sa ‘yo na ikaw na ang gusto kong makasama habambuhay. Pagbutihin pa natin sa trabaho natin. Sobrang love kita,” sabi ng dalaga.

Ito naman ang message ni EA sa kanyang girlfriend, “I just wanna say thank you sa pagmamahal and thank you sa genuine love na binibigay mo sa akin every day.

“Tama sila, ‘yung ganitong relasyon na matagal na, 10 years na, para na lang kayong mag-best friend, kumbaga hindi niyo na pag-aawayan ‘yung mga maliliit na bagay, kumbaga update kayo pero kumustahan, kulitan, and sa ‘yo ko nakita ‘yon.

“I’m happy and proud na meron akong isang katulad mo dahil you give sunshine every morning, sabi nga ng Unang Hirit, ‘morning sunshine.’

“Para sa akin, every day gumigising ako, magkasama man tayo sa out of the country, ‘pag gumising na ako ikaw ang nakikita ko.

“Iba ‘yung dating sa akin, ang ganda ng araw ko. So thank you so much. Ikaw na rin ang gusto ko.

“Lahat ng ginagawa kong ito, lahat ng pag-iipon ko, lahat ng goal ko sa buhay, lahat ng plano ko sa buhay, kasama ka at para sa ‘yo,” ang super sweet at touching na pahayag ni EA kay Shaira.

EA Guzman ipinagmalaki ang pagiging virgin ni Shaira Diaz: ‘Nangako ako sa kanya na hindi ako magloloko, para sa akin sacred siya’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Angeline umaming nagli-live in na sila ng non-showbiz dyowa; plano rin magpakasal sa tamang panahon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending