'Lolong' star Shaira Diaz nagluluksa sa pagkamatay ng alagang aso: Durog na durog ang puso ko, ang sakit-sakit... | Bandera

‘Lolong’ star Shaira Diaz nagluluksa sa pagkamatay ng alagang aso: Durog na durog ang puso ko, ang sakit-sakit…

Ervin Santiago |August 17,2022
facebook
share this

‘Lolong’ star Shaira Diaz nagluluksa sa pagkamatay ng alagang aso: Durog na durog ang puso ko, ang sakit-sakit…

Ervin Santiago - August 17, 2022 - 10:49 AM

Shaira Diaz at Kakay

WASAK na wasak ang puso ngayon ng Kapuso actress at “Lolong” star na si Shaira Diaz dahil sa pagpanaw ng kanyang alagang aso na si Kakay.

Ramdam na ramdam ng kanyang mga tagasuporta ang sakit na nararanasan ngayon ng dalaga matapos nga nitong ibalita na namalaam na sa kanilang pamilya si Kakay.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, ipinost ni Shaira kahapon, August 16, ang mga litrato nila ng alagang aso kalakip ang mensahe ng pamamaalam kay Kakay.

Aniya, hinding-hindi niya ito makakalimutan habang siya ay nabubuhay kasabay ng pagpapasalamat sa lahat ng masasayang alaala na iniwan nito sa kanya.

“Kakay ko, salamat dahil lumaban ka hanggang dulo.

“Kahit ang mga doctor at nurses mo nagulat na nasurvived mo ang surgery at lumaban ka ng isang linggo.

View this post on Instagram

A post shared by Shaira Diaz (@shairadiaz_)


“Lahat sila pinabilib mo sa tapang at lakas mo kaya proud na proud ako sa yo,” ang bahagi ng caption ni Shaira sa kanyang IG post.

“Ang sakit sakit na wala ka na ngayon samin pero masaya ako na kasama mo na si Lord dyan sa heaven.

“Ngayon pahinga ka na. No more pain my baby. Run free, my love.

“Maraming salamat sa siyam na masasayang taon. Hanggang sa muli… mahal na mahal ka namin, Kakay.

“Mamimiss ka namin ng sobra. You’ll always be our Alpha,” sabi pa ng aktres.

Nauna rito, nagbahagi na ng mensahe si Shaira tungkol sa pagpanaw ng kanyang alaga nitong nagdaang Lunes. Dito, sinabi nga niya kung gaano kasakit ang mawalan ng “mahal sa buhay.”

“Durog na durog ang puso ko. Mahal na mahal kita Kakay ko…maraming salamat sa masasayang alaala,” aniya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bumuhos naman ang pakikiramay kay Shaira mula sa kanyang mga kaibigan sa showbiz kabilang na sina Maria Rivera, Barbie Forteza, Ashley Ortega, Maui Taylor, Arra San Agustin at Jak Roberto.

EA Guzman sa relasyon nila ni Shaira Diaz: Ready na ako to settle down pero…

Sharon nagdurugo, wasak ang puso sa pagpanaw ni Susan Roces: Kumbaga sa Star Wars, ito ‘yung last of the Jedi knights…

‘Gifted child’ Shaira Luna ikinasal na, suot na wedding dress nabili sa ukay-ukay sa halagang P100

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending