Robi nakaka-relate sa kantang 'Gusto Ko Nang Bumitaw' dahil sa mga hinaharap na pagsubok; sakit ni Maiqui Pineda 'life-threatening, lethal' | Bandera

Robi nakaka-relate sa kantang ‘Gusto Ko Nang Bumitaw’ dahil sa mga hinaharap na pagsubok; sakit ni Maiqui Pineda ‘life-threatening, lethal’

Ervin Santiago - September 04, 2023 - 07:30 AM

Robi nakaka-relate sa kantang 'Gusto Ko Mang Bumitaw' dahil sa mga hinaharap na pagsubok; sakit ni Maiqui Pineda 'life-threatening, lethal'

Maiqui Pineda at Robi Domingo

INAMIN ng Kapamilya TV host na si Robi Domingo na may mga pagkakataon na gusto na rin niyang sumuko dahil sa tindi ng mga pagsubok na kanyang kinakaharap.

Kabilang na nga riyan ang health condition ng kanyang fiancée na si Maiqui Pineda na na-diagnose kamakailan ng dermatomyositis, isang rare autoimmune disease.

Nakausap ng ilang members ng entertainment media si Robi sa naganap na presscon ng PIE Channel kung saan mapapanood ang bago niyang game show, ang “Watchawin”.

Ayon sa binata, talagang kinakarir niya ngayon ang pagtatrabaho para makaipon nang bonggang-bongga hindi lang para sa kasal nila ni Maqui ngayong taon kundi bilang paghahanda na rin sa kanilang future at sa kanilang mga magiging anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Just thinking about the wedding, thinking about the renovations, and thinking about the house na pinapagawa namin, I have to keep on going para mabayaran na lahat ng mga kailangan,” pahayag ni Robi.

Kuwento pa niya, nag-usap sila ni Maqui about their wedding, “Actually, I told her about delaying. Actually, I told her about delaying the wedding.

“Pero she told me, ‘No, give me something to hope for.’ So, dapat walang delay. Kasi gusto niya na may target kami, may target date. Kailangan by that date or before that, umokey na siya.

“I have to be hands-on because she is focused on the betterment of her condition. So, kailangan habang iniisip niya yung sarili niya, ako muna sa lahat,” sabi ng binata.

Baka Bet Mo: Robi Domingo nai-imagine na ang sarili na meron nang pamilya after 5 years

Kinumpirma rin ni Robi na matindi ang dumapong karamdaman kay Maiqui, “Last week, she went to Singapore and the doctors told her that her condition was life-threatening and lethal.

“So, di ba, how would you feel when she told me about that? Siyempre, bagsak na naman yung mundo ko, ‘Okay, ano lang gagawin namin?’ But her determination keeps me moving forward, e. It’s her willpower that keeps me going,” pagbabahagi pa ng TV host na halatang pinipigil ang pagluha.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Robi Domingo (@iamrobidomingo)


Kasunod nito, inamin nga ni Robi na may mga araw na nais na niyang sumuko, “To be honest, there were times na as the song goes, ‘Gusto Ko Nang Bumitaw,’ pero in those moments, you are tested kung ano ba talaga ang kailangan mong panghawakan.

“And panghahawakan ko Siya (ang Diyos) at yung fiancée ko. So, when you have that will to fight and when you have that faith, kailangan ka lumaban. It’s mentally draining, it’s emotionally draining.

“Physically, nagma-manifest siya minsan sa akin. Pero, wala, there are times na nagwo-workout ako, bigla akong iiyak, ‘Ang bigat naman. Bakit ngayon pa? Bakit siya?’ So, you have those questions,” pag-amin ni Robi.

Nagbigay din siya ng update sa kundisyon ng kanyang fiancée, “She’s getting better. It’s a long way to go, but just watching her clips, knowing her progress, nakaka-inspire, e. Nakaka-inspire siya.

“So, I don’t have a reason na mag-give up if she has that strong will para gumaling,” sabi pa ni Robi.

Robi Domingo ready na sa buhay-asawa, gagawing ninang si Regine Velasquez sa kasal

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Robi super excited na sa kasal nila ni Maiqui: ‘Nabubuo na namin kung ano ‘yung magiging perfect wedding for us’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending