Janice Jurado sa style nina Coco Martin at FPJ: Walang pinagkaiba! | Bandera

Janice Jurado sa style nina Coco Martin at FPJ: Walang pinagkaiba!

Therese Arceo - September 02, 2023 - 02:41 PM

Janice Jurado sa style nina Coco Martin at FPJ: Walang pinagkaiba!
PARA sa dating sexy star na si Janice Jurado nalalayo ang istilo ng Kapamilya actor-director na si Coco Martin sa namayapang Da King na si Fernando Poe Jr.

Ito ay inamin niya sa kanyang naging panayam sa broadcaster na si Julius Babao na mapapanood sa YouTube channel ng huli.

Binalikan kasi ni Janice ang kanyang mga memories noong katrabaho pa niya si FPJ kaya natanong na rin ni Julius kung ano ang pinagkaiba ng style ni FPJ kay Coco.

Aware naman ang lahat na marami ang nagkukumpara kina FPJ at Coco lalo na’t ito rin ang mga gumaganap sa remake ng mga series noon na pinagbidahan ni FPJ.

Samantala, naka-trabaho naman ni Janice si Coco sa “FPJ’s Batang Quiapo” na kasalukuyan pa ring napapanood sa telebisyon.

Naikuwento nga niya na hindi siya maaring maging parte ng “FPJ’s Ang Probinsyano” dahil parte ng cast ang namayapang si Susan Roces na siyang asawa ni FPJ.

Ito raw ay bilang delikadeza at respeto lalo na’t nagkaroon daw ng nakaraan sina Janice at FPJ.

“How would you compare ‘yung style ni FPJ sa klase ng istilo na ginagawa ngayon ni Coco Martin?” tanong naman ni Julius.

Baka Bet Mo: Janice Jurado tipid-tipid muna sa buhay matapos mawala sa ‘Batang Quiapo’, ibabalik pa kaya ni Coco Martin?

“Walang pinagkaiba!” mabilis na sagot ni Janice.

Pagpapatuloy pa niya, “Minsa nakaupo ‘yan sa malayo. ‘Yung upo ni FPJ, sabi ko kay Lovi, ‘Lovi, tingnan mo si Coco oh parang tatay mo’. [Sagot naman ni Lovi,] Oo nga no. Parang si Papa’. At saka may salita siya at may tayo na hindi naman niya sinasadya, para siyang nasasaniban [ni FPJ].”

Ang pagkakaiba lang daw siguro ay ang paraan ng pagbabato ng dialog at nagbigay ng [direksyon] sa mga katrabaho.

Chika ni Janice, si Coco raw kasi ay aksyon agad sa set habang si FPJ ay malumanay naman.

“Pero sa istilo, parehong-pareho. Hindi rin nag-i-script,” lahad pa niya.

Pero para kay Janice, mas lamang ang pag-aalaga ni Coco sa mga katrabaho lalo na sa mga senior nito na nauna sa industriya.

Related Chika:
Hirit ni Janice Jurado: ‘Bakit atat na atat kayong mawala ako sa Batang Quiapo? Ayan wala na ‘ko! Wag kang kampante baka ikaw ang sumunod!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Janice Jurado tsutsugihin na raw sa ‘Batang Quiapo’ ni Coco dahil sa rebelasyon tungkol kay FPJ

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending