Hirit ni Janice Jurado: 'Bakit atat na atat kayong mawala ako sa Batang Quiapo? Ayan wala na 'ko! Wag kang kampante baka ikaw ang sumunod!' | Bandera

Hirit ni Janice Jurado: ‘Bakit atat na atat kayong mawala ako sa Batang Quiapo? Ayan wala na ‘ko! Wag kang kampante baka ikaw ang sumunod!’

Reggee Bonoan - August 09, 2023 - 09:54 PM

Hirit ni Janice Jurado: 'Bakit atat na atat kayong mawala ako sa Batang Quiapo? Ayan wala na 'ko! Wag kang kampante baka ikaw ang sumunod!'

Janice Jurado

“BAKIT ba atat na atat kayo na mawala ako sa Batang Q(uiapo), ayan wala na ako! Ano masaya ka na? Wag kang kampante baka ikaw ang sumunod!!! Ako alam ko hindi ako pababayaan ni Direk Coco (Martin).”

Ito ang post ng beteranang aktres na si Janice Jurado sa kanyang Facebook account nu’ng isang araw.

Sino kaya sa cast ng “Batang Quiapo” ang pinatutungkulan ni Mama Janet bilang karakter niya sa nasabing seryeng pinagbibidahan ni Coco.

At kagabi ay muling nag-post si Janice sa FB page niya na talagang ramdam ang gigil niya sa taong gusto talaga siyang mapaalis sa “FPJ’s Batang Quiapo.”

Aniya, “Isa sa cast ng Batang Q ang atat na maalis ako, ngayon masaya ka na, nandiyan pa ako sa Batang Q, lagi mong sinasabi na maaalis ako, marunong ka pa kay direk Coco, may plano si direk ‘wag mong unahan, dapat mong gawin ang pag-arte mo ang ayusin mo.”

Palaisipan tuloy kung sino ang taong atat nang mapatalsik si Janice sa “Batang Quiapo.”

Kung hindi kami nagkakamali ay ang BANDERA ang unang naglabas na mawawala na ang aktres sa serye nina Coco at Lovi Poe dahil nga nang banggitin ni Janice na naging close niya ang namayapang si Da King, Fernando Poe, Jr. sa isang mediacon para may pag-usapan sa kanya para sa promo umano ng pelikula nila.

Baka Bet Mo: Janice Jurado tsutsugihin na raw sa ‘Batang Quiapo’ ni Coco dahil sa rebelasyon tungkol kay FPJ

Maraming hindi umayon sa kuwentong ito ng aktres dahil matagal na raw ito at wala na rin sa mundong ibabaw ang taong pinatutungkulan bakit kailangan pang ibalik ang kahapon, plus lagi pa niyang kaeksena ang anak ni Da King na si Lovi bilang si Monique o Mokang.

Ayon sa aming source ay hindi ba naisip ni Janice kung ano ang pakiramdam ni Lovi sa kuwentong ito ng aktres kahit pa sabihin ng huli na “okay lang ‘yun” o “smile lang siya.”

May bago uling post ang dating sexy star, “Tiwala ako kay direk Coco alam n’ya ang ginagawa nya, ano man desisyon ni direk Coco igalang na lang natin.”

Samantala, binasa namin ang mga komento sa post ni Janice at halos iisa ang sinasabi, baka raw nasasapawan niya in terms of acting kaya gusto siyang mawala.

In fairness, ang husay naman din talaga ni Janice bilang si Mama Janet na bugaloo (bugaw) sa mga babaeng nagta-trabaho sa club at pansin din naming umaalalay siya pagdating sa pag-arte dahil hindi naman lahat ng kaeksena niya ay mahuhusay.

May nagsabi naman sa amin na kaya raw nawala na si Mama Janet ay dahil nabago na ang buhay ni Lovi o Mokang dahil wala na siya sa club na pinagtatrabahuan niya dahil igagarahe na siya ni Christopher de Leon as Ramon na isang mayamang negosyante at ama ni Coco bilang si Tanggol.

Anyway, nagpadala kami ng mensahe kay Janice sa kanyang FB pero hindi pa kami sinasagot hanggang matapos naming sulatin ang balitang ito.

Bukas ang BANDERA sa panig ng aktres tungkol sa pagkakatsugi niya sa “Batang Quiapo” sa karakter na Mama Janet.

Related Chika:
Hugot ni Janice sa ‘cheating’: Ang daling magpatawad, sasabihin mong, ‘I’m sorry, hindi na mauulit uli’, pero ganu’n pa rin

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Janice Jurado ibinuking ang ‘past’ nila ni FPJ

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending