Janice Jurado tsutsugihin na raw sa 'Batang Quiapo' ni Coco dahil sa rebelasyon tungkol kay FPJ | Bandera

Janice Jurado tsutsugihin na raw sa ‘Batang Quiapo’ ni Coco dahil sa rebelasyon tungkol kay FPJ

Reggee Bonoan |July 26,2023
facebook
share this

Janice Jurado tsutsugihin na raw sa ‘Batang Quiapo’ ni Coco dahil sa rebelasyon tungkol kay FPJ

Reggee Bonoan - July 26, 2023 - 01:02 PM

Janice Jurado tsutsugihin na raw sa 'Batang Quiapo' ni Coco dahil sa rebelasyon tungkol kay FPJ

Janice Jurado, Lovi Poe at Coco Martin

TRULILI kaya na nag-last taping day na ang beteranang aktres na si Janice Jurado sa seryeng “FPJ’s Batang Quiapo” bilang si Mama Janet?

May kinalaman kaya ang pag-amin ni Janice kamakailan na naging “other woman” siya ng namayapang Action King na si Fernando Poe, Jr. at nang malaman daw ito ng maybahay ng aktor na namayapa na rin na si Ms. Susan Roces ay hindi na siya pinansin.

Nag-viral sa social media ang pag-amin na ito ni Janice sa isang mediacon na ayon sa iba ay halatang ginamit ng aktres ang isyu para umingay siya at ang pelikulang pino-promote niya.

Hindi man lang daw naisip ni Janice na ang lagi niyang kaeksena sa “FPJ’s Batang Quiapo” ay ang anak ni Da King na si Lovi Poe.

“Napaka-insensitive naman ni Janice sa ginawa niya, hindi niya naisip si Lovi kung ano ang mararamdaman. Paano gaganahan si Lovi na makaeksena siya na tsini-tsismis ang tatay niya, e, wala naman na?” opinyon ng nakatsika naming taga-production.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph)


Bukod dito ay sobrang idolo at malaki ang respeto ni Coco Martin na siyang bida, direktor at producer ng “Batang Quiapo” kay FPJ.

Baka Bet Mo: Hugot ni Janice sa ‘cheating’: Ang daling magpatawad, sasabihin mong, ‘I’m sorry, hindi na mauulit uli’, pero ganu’n pa rin

“Sa tingin mo natuwa si Coco sa ginawa ni Janice?” sabi ulit ng taga-production na kausap namin.

Dagdag pa, “Imagine nasaktan na si Coco dahil sa pinagsasabi ni Janice, e, di mas lalo si Lovi?”

Gabi-gabi naming pinapanood ang “FPJBQ” kaya iniisip namin kung paano mawawala ang karakter dito ni Janice Jurado. Binalikan kaya siya ni Eric Fructuoso as Banjo na may-ari rin ng pipitsuging club na galit na sa kanya dahil halos lahat ng babae ay isinama sa high end club.

Bukod dito ay pinababalik din ni Eric si Lovi at Monique sa club niya pero ayaw na nito kaya posible kayang nagkagulo at humarang si Janice para ipagtanggol ang alaga niyang star sa high end club at nadale siya ng una.

Nakahihinayang dahil magandang exposure ito kay Janice at malaking tulong din ang “Batang Quiapo” sa kanya na may regular show dahil sabi nga niya kailangan niya ng pampagamot dahil bumalik ang cancer niya.

Anyway, aabangan ko na lang ang “BQ” kung ano ang mangyayari kay Janice.

Veteran actress Janice Jurado umaming nag-drugs nang magkabukol sa dibdib

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hugot ni Janice sa ‘cheating’: Ang daling magpatawad, sasabihin mong, ‘I’m sorry, hindi na mauulit uli’, pero ganu’n pa rin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending