Yukii Takahashi kering-keri makipagsabayan sa aktingan, mainstay na sa 'Batang Quiapo' | Bandera

Yukii Takahashi kering-keri makipagsabayan sa aktingan, mainstay na sa ‘Batang Quiapo’

Reggee Bonoan |June 23,2023
facebook
share this

Yukii Takahashi kering-keri makipagsabayan sa aktingan, mainstay na sa ‘Batang Quiapo’

Reggee Bonoan - June 23, 2023 - 06:19 PM

Yukii Takahashi kering-keri makipagsabayan sa aktingan, mainstay na sa 'Batang Quiapo'

MAY “K” naman pala si Yukii Takahashi para i-retain sa “FPJ’s Batang Quiapo” bilang girlfriend ni McCoy de Leon na buntis na ngayon base sa umeereng episode ng programa ni Coco Martin.

Nabanggit kasi ng dalaga na dalawang linggo lang siya dapat sa BQ bilang guest pero nagulat siya nang sabihan siyang mainstay na siya at base na rin siguro sa papuri sa kanya ng dating Presidente at COO ng ABS-CBN na ‘alagaan’ ang baguhang aktres.

Kamag-aral ni McCoy sa karakter na David si Yukii as Camille na nagustuhan ng binata dahil sa simple at anay mayaman.

Pero dahil buntis na kaya ipinaalam na ito sa magulang ni Camille bagay na ikinagalit ng ama at itinakwil pa dahil mas pinili ng dalaga na sumama kay David.

Ang ending hindi rin tanggap ng ama ni McCoy ang sitwasyon na si John Estrada as Rigor dahil nga pinangarap nitong sumunod sa yapak niya ang anak lalo’t may step son siyang puro gulo ang inuuwi sa pamilya niya, si Coco bilang si Tanggol.

Baka Bet Mo:  Fans nina Wilbert Ross at Yukii Takahashi adik na adik sa ‘Ang Lalaki Sa Likod Ng Profile’: ‘Mas excited pa ‘ko dito kesa sa sahod ko, promise!’

Mata-mata ang umaarte kay Yukii at inoobserbahan niya ang bawa’t kilos ng pamilya ni McCoy na makakasama niya sa iisang bubong at nagustuhan din namin ang eksenang nasa ospital siya na pinipigilan niya si David na humingi ng tulong sa magulang niya dahil nga galit sa kanila.

Pero mapilit si McCoy at ang ending wala nga siyang napala kaya lalo siyang nagwawala at nakita iyon ni Yukii na nag-iisip kung anong klaseng buhay ang napuntahan niya ngayon.

Mukhang sesentro ang kuwento nina McCoy at Yukii ngayong linggo bukod pa kina Irma Adlawan na kinaibigan ang ina ni Tanggol para makaganti sa kanilang lahat dahil sa pagkamatay ng anak niyang si Greg as RK Bagatsing.

Sa kasalukuyan ay hindi nababawasan ang tagasubaybay ng “FPJ’s Batang Quiapo” bagkus ay nadadagdagan ito base na rin sa AGB Nielsen at concurrent viewers sa YouTube channel ng ABS-CBN mula Lunes hanggang Biyernes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
TikTok star Yukki Takahashi 3 beses nang nabigo sa pag-ibig, na-trauma na nga ba sa mga lalaki?

Tiktokerist Yukii Takahashi may pelikula na, napili pang co-host nina Albie at Catriona sa ‘Top Class’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending