Tiktokerist Yukii Takahashi may pelikula na, napili pang co-host nina Albie at Catriona sa 'Top Class' | Bandera

Tiktokerist Yukii Takahashi may pelikula na, napili pang co-host nina Albie at Catriona sa ‘Top Class’

Reggee Bonoan |May 17,2022
facebook
share this

Tiktokerist Yukii Takahashi may pelikula na, napili pang co-host nina Albie at Catriona sa ‘Top Class’

Reggee Bonoan - May 17, 2022 - 04:38 PM

Albie Casino at Yukii Takahashi

MASASABING biglaan ang pagpasok sa showbiz ng magandang aspiring talent ng Cornerstone Entertainment na si Yukii Takashi.

During the pandemic lang siya nagsimula bilang TikTokerist na ngayon ay may mahigit 5 million followers na hanggang sa mapili nga siyang katambal ni Albie Casino bilang co-host sa reality talent show na “Top Class: The Rise to P-Pop Stardom.”

“Simula po nu’ng bata ako ay it’s really my dream na maging artista but I think that time hindi meant for me kasi ilang beses akong naka-cut-off, ilang beses akong hindi kino-call back.

“And then nu’ng nangyari ‘yung pandemic out of nowhere nagulat na lang ako na nagte-trending ‘yung video ko and that’s just one post of TikTok and it got million of views and continuous po ‘yun hanggang sa na-discover ako ng Cornerstone,” kuwento ng magandang dalaga.

Dagdag pa niya, “I think my passion po talaga is acting and I was so happy na nagagawa ko na ngayon one step at a time. Ang sarap po palang gawin ang isang bagay lalo na kapag passionate ka na kahit gawin mo 24/7 o alam mong pagod ka in your head ay hindi mo mararamdaman kasi fulfilling ‘yung ginagawa and performing as well.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yukii Takahashi (@yukiiitakahashi)


Bilang baguhan sa showbiz industry ay may mga hiningan na ba ng payo si Yukii kung ano ang mga dapat niyang gawin para mas lalo niyang mapagbuti ang kanyang talent sa pag-arte at pagho-host?

“Yes mahilig akong magtanong ng mga something and marami na akong napagtanungan ng advice at ina-apply ko talaga with evetything that I do and enjoy the process,” pag-amin ng dalaga.

Nakitaan agad ng chemistry sina Albie at Yukii during the mediacon ng “Top Class” kahit unang beses lang nilang magsasama bilang host.

Natawa muna si Yukii bago nag-react, “Parehas kami ng vibes, parehas kaming loud, parehas kaming…(sabay tawa ng dalawa).”

Dagdag ni Albie, “I don’t know, it’s a good match, di ba?”

Sa kasalukuyan ay may ginagawa na ring pelikula si Yukii, “I’m very, very happy po na nagagawa ko na ‘yung passion ko as well as nakakapag-perform pa ako rito.”

At bilang co-host sila ni 2018 Miss Universe Catriona Gray sa “Top Class: The Rise To P-Pop Stardom” ay talagang iba ang pakiramdam ni Yukii.

“Sobrang overwhelmed po, nae-excite po kami at kinakabahan kasi dahil Catriona po ‘yun, eh!  Looking forward to work with her po and to learn pa kung ano po ‘yung puwede kong matutunan from her,” say ni Yukii.

Ayon naman kay Albie, “Ako, honestly I’m excited to work with her because her network of fans doesn’t really know who I am, so, I’m introduce myself to a lot of people. Ha-hahaha!

“Of course I’m excited to meet her, the Miss Universe right? Hindi lang Miss Philippines kundi Miss Universe kaya pag nagsabi ako ng ‘Cat, selfie naman tayo’ and post na ito on IG, the numbers gonna go up! (muwestra pa ng aktor). And first name basis kami, man! Ha-hahaha!”

At bilang baguhan si Yukii sa hosting ay handa na raw siyang makatikim ng bashing, “Gusto ko pong ma-experience both worlds, the positive and the negative kung anong meron sa showbiz na I know ‘yun ang makakapagpalakas sa akin.

“And marami akong matututunan from that and from the people na makakasama ko, so, I’m excited po and mapagdaanan lahat ‘yun with Top Class,” esplika ng baguhang host.

Paliwanag naman ni Albie kapag walang haters, “If you don’t have haters dude you’re not doing good enough man!”

“Kaya gusto kong magkaroon ng haters dahil do’n,” hirit ni Yukii.

At dahil gustong maging aktres ni Yukii ay hoping siyng makatrabaho ang mga idolo niyang sina Kathryn Bernardo, Liza Soberano, Maja Salvador at Angel Locsin.

Bilang paghahanda ay nag-workshop na ang dalaga sa mga kilalang direktor tulad ni Direk Dan Villegas, “Pinadali niya po sa akin ang aspeto ng acting kaya na-enjoy ko po talaga (workshop),” saad ng bagong talent ng Cornertsone.

Tinanong kung ano ang ginagawa dati ni Yukii bago siya sumikat sa TikTok, “Sobrang batang kalye lang po talaga ako, nage-enjoy sa labas at normal na estudyante. Aral, tulog, aral, linis ng bahay. Hindi po nakikita ang personality ko sa TikTok, pero I think ‘yung balakang ko po. Ha-hahaha!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, opisyal nang nagsara ang audition para sa “Top Class: The Rise To P-Pop Stardom” noong Abril 30 at abangan ang lucky 30 aspirants na mapapasama sa first batch at Top Class Trainees na mapapanood simula sa June sa Kumu, TV5 and selected digital platforms.

Albie Casino sa hiwalayan nila ni Andi: That’s a totally different situation sa regular break-up

Albie nawalan ng milyones dahil kay Andi: So, how can I be okay with them?

Cristy Fermin naawa kay Albie: Siya dapat ang Daniel Padilla ngayon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending