Coco, Julia umaming matagal nang magdyowa: 'Napakasarap ng pakiramdam dahil 12 years na kaming magkasama' | Bandera

Coco, Julia umaming matagal nang magdyowa: ‘Napakasarap ng pakiramdam dahil 12 years na kaming magkasama’

Ervin Santiago |May 23,2023
facebook
share this

Coco, Julia umaming matagal nang magdyowa: ‘Napakasarap ng pakiramdam dahil 12 years na kaming magkasama’

Ervin Santiago - May 23, 2023 - 08:58 PM

Coco, Julia umaming matagal nang magdyowa: 'Napakasarap ng pakiramdam dahil 12 years na kaming magkasama'

Coco Martin at Julia Montes

SA wakas, kinumpirma na rin ng Teleserye King na si Coco Martin na 12 taon na silang magkarelasyon ni Julia Montes.

Tinuldukan na finally ng premyadong actor-director ang mga haka-haka at espekulasyon tungkol sa matagal na nilang pagsasama bilang magdyowa.

Base sa naging pahayag ng Kapamilya superstar, nagsimula ang kanilang love story noon pang 2011 nang magkasama sila sa ilang proyekto ng ABS-CBN.

Sa panayam ng “TV Patrol” ngayong gabi, May 23, ibinandera na nga ni Coco sa buong universe ang tunay na estado ng relasyon nila ni Julia na ilang taon na ring hinihintay ng kanilang mga tagasuporta.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ABS-CBN PR (@abscbnpr)


“Napakasarap ng pakiramdam namin dahil 12 years na kaming magkasama, pero pareho pa rin tulad ng dati.

“Nilu-look forward namin kapag may project na magkasama kami and then kapag may pagkakataon, nakakalabas kami, nakikita kami ng mga tao pero name-maintain namin ang privacy sa buhay namin,” ang pahayag ng “Batang Quiapo” lead star.

Baka Bet Mo: Vice Ganda wagi sa Asian Academy Creative Awards 2021: Nakakabaliw sa saya!

Pagpapatuloy pa niya, “Basta kami, hindi naman na kaming mga bata. Kung ano ‘yung nakikita at iniisip ng mga tao, ‘yun na ‘yun.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ABS-CBN PR (@abscbnpr)


“Mas masarap ‘yung pakiramdam na pribado ang buhay namin, tahimik. Walang mga issue. Ito, masaya kami,” aniya pa.

Nagpapasalamat naman si Julia sa Panginoong Diyos dahil patuloy pa rin solang ginagabayan sa bawat desisyon nila sa kanilang career at personal life. In fairness, tumagal nga ang relasyon nila ni Coco nang mahigit isang dekada.

“Kung ano ‘yung position namin ngayon, sobrang blessed lang talaga kami. And never nawala sa center si God so hindi nawawala ang mga good stuff. Si God talaga ang center,” sabi ng Kapamilya actress sa panayam ni MJ Felipe.

 

Maja ninerbiyos sa unang araw sa EB: Pero ang sarap sa pakiramdam na ka-Dabarkads na ‘ko!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maureen nawala ang pagkapraning sa COVID-19; Kuya Kim feel na feel ang pagiging Kapuso

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending