Maureen nawala ang pagkapraning sa COVID-19; Kuya Kim feel na feel ang pagiging Kapuso Bandera

Maureen nawala ang pagkapraning sa COVID-19; Kuya Kim feel na feel ang pagiging Kapuso

Ervin Santiago |October 14,2021
share this

Maureen nawala ang pagkapraning sa COVID-19; Kuya Kim feel na feel ang pagiging Kapuso

Ervin Santiago October 14, 2021 - 09:05 AM

Kim Atienza at Maureen Larrazabal

MAS safe na ang pakiramdam ngayon ng Kapuso actress na si Maureen Larrazabal matapos makumpleto ang dalawang dose ng COVID-19 vaccine.

Isa ring certified COVID-19 survivor ang komedyana at matindi rin ang mga hinarap niyang challenge habang nilalabanan ang killer virus.

“I’m very happy and blessed to inform everyone na I’m okay now. I’m fully recovered wala na ako nararamdaman at all and fully vaccinated na rin ako.

“So, mas safe ang pakiramdam ko ngayon. Hindi na ako masyado natatakot na magkaroon uli ako ng COVID, kasi I know, since fully vaxxed kung magkaroon man ako ng mga symptoms very minimal na lang,” pahayag ni Maureen sa panayam ng GMA Network.

Ayon pa sa aktres, marami pa rin sa mga kaibigan niya ang ayaw magpa-vaccine, “Marami actually na friends na ayaw magpabakuna, pero based on my experience – of course I cannot answer for them, kung bakit ayaw nila. 

“Pero, ibabase ko sa experience ko na nagka-COVID ako, na naramdaman ko ‘yung hirap nang may COVID and the anxiety nang may COVID, ‘yun ang malakas actually ‘yung mas nakaka-stress at mas bothered ka,” aniya pa.

Dugtong pang sabi ni Maureen, “Yung iba nga nagkakaroon pa ng depression ‘pag nagkakaroon ng COVID, kasi iba kasi talaga ‘yung pakiramdam mo sa ordinary flu at sa COVID. Wini-wish ko lang na huwag n’yo maramdaman ‘yung ganu’n kaya magpa-vaccine na kayo.”

* * *

Trending muli ang bagong Kapuso na si Kim Atienza matapos ang unang pagsabak niya sa GMA newscast na “24 Oras” nitong Lunes kung saan mapapanood ang kanyang segment na #KuyaKimAnoNa.

Marami rin ang natuwa sa mainit na pag-welcome sa kanya ng “24 Oras” anchors na sina Mel Tiangco, Mike Enriquez at Vicky Morales.

Say nga ni Mel after ng segment ni Kuya Kim, “Welcome sa 24 Oras, ha! Kumusta? Ano pakiramdam mo na nasa ibang tahanan ka ngayon?”

“Alam mo, Tita Mel talagang feel na feel ko ang pangalan ng ating istasyon. Feel na feel ko ang pagmamahal at ang puso ng lahat nang tumanggap sa akin dito. Maraming, maraming, maraming salamat sa inyong lahat,” sagot ni Kuya Kim.

“Kapuso, trivia sa likod ng trending na balita ang ihahatid sa ating mga Kapuso ni Kuya Kim,” pag-explain naman ni Mike sa #KuyaKimAnoNa segment.

Samantalang si Vicky, may tanong din sa kanya, “Teka, Kuya Kim, ano ang mensahe mo sa ating mga Kapuso at siyempre sa mga ka-24 Oras?

“Sa lahat ng mga Kapuso, maraming, maraming salamat sa napakainit na pagtanggap ninyo sa akin bilang bagong Kapuso. I shall do my best to be the best Kuya Kim that I can be by God’s grace. Maraming, maraming salamat,” lahad pa ni Kuya Kim.

Sa huli ay binitawan na nga ni Kuya Kim ang kanyang extro spiel, “Kaya laging tandaan, Kimportante ang may alam! Ako po si Kuya Kim, at sagot ko kayo, 24 Oras! Kimsahamnida.”

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending